Robredo, Tropa Pinatunayan Walang Solid North

VP Leni Robredo
Ang patunay, madami ang dumalo sa Grand People's Rally Isabela na ginanap sa Echague, Isabela na dinaluhan ng taumbayan noong Sabado, Marso 12, 2022.

🔴 Red Monkey Talks ikinalulugod na balikan natin na hindi inaasahan ni busy Vice President Leni Robredo ang libu-libong taumbayan ng Isabela, Cagayan, Quirino, Nueva Vizcaya, Kalinga, Ifugao, ang dumalo sa ginanap na Isabela Grand People’s Rally sa Echague.

Basag ang Pantasya ng ‘Solid North’ dahil nga sa matagumpay na unang bisita ng Tropa sa kalupaan ng Cagayan Valley Region.

Napatunayan ng Tropang Angat na ang bansag na solid north ay isang malaking pantasya upang bilugin lamang ang ulo ng mga tao ng mga pulitikong ang ginagamit ay puwersa at mapanlinlang ng mga pananalita.

Eto po, ang mga volunteers ng Robredo People’s Council lang pala ang magpapatunaw sa pantasyang matagal ng bumabalot sa isipan ng mga mamamayan.

Ang patunay, madami ang dumalo sa Grand People’s Rally Isabela na ginanap sa Echague, Isabela na dinaluhan ng taumbayan noong Sabado, Marso 12, 2022.

Sa malakas na pagpapakita ng suporta ng taumbayan, walang sinabi ang pera at makinarya. Kusang loob at maligayang nagsidalo ang mag tao ng walang pinilit, walang dumalo dahil binayaran lamang.

Pinataba ng taumbayan at kabataan ang puso at diwa ng mga kakampi sa pagbigay pugay sa kalinisan ng hangarin at kabutihan ng loob ni VP Leni Robredo at Kiko Pangilinan.

Dahil na rin sa ipinakitang dedikasyon at tapat na paninilbihan sa gobyerno, maraming kabataan ang dumalo sa pagtitipon.

Ang bidyo po ay halaw sa kampanya ng buong Tropang Angat na naghahandog ng Gobyernong Tapat para maging angat ang buhay ng mamamayan.

Kung maari po, pakishare sa inyong pili at paboritong social media para makatulong sa pagpalaganap ng mabuting hangarin ng Leni Robredo at Kiko Pangilinan tandem kasama ang mga kandidato sa pagka senador. Maraming Salamat po.

*26

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *