Sa mataong pagtatapos sa pagbisita kampanya ng buong Tropang Angat sa lalawigan ng Negros Occidental at mga lungsod nito na dinaluhan ng libo-libong supporters masasabi nating Kulay Rosas ang Negros/ #Negrosispink.
🔴 Red Monkey Talks ikinalulugod na ibahagi ang malakas na “Bacolod-Negros Occ 70K Shoutout Para kay Leni Robredo’ dahil mahigit sa humigit na 70,000 tao na taga Bacolod at Negros Occidental na pinangungunahan ni Gov. Lacson na dumalo sa Grand People’s Rally ginanap sa Paglaum Sports Complex Marso 11, 2022. Hindi pa dito kasama ang libo-libo pang dumalo sa hiwalay na rally ginanap sa ibang lungsod at piling lugar sa loob ng Negros Occidental.
Malakas na pagpapakita ng suporta ng taumbayan, walang sinabi ang pera at makinarya. Kusang loob at maligayang nagsidalo ang mag tao ng walang pinilit, walang dumalo dahil binayaran lamang.
Pinataba ng taumbayan at kabataan ang puso at diwa ng mga kakampi sa pagbigay pugay sa kalinisan ng hangarin at kabutihan ng loob ng Bise President Leni Robredo.
Dahil na rin sa ipinakitang dedikasyon at tapat na paninilbihan sa gobyerno, maraming kabataan ang dumalo sa pagtitipon. iginawad ng Sangguniang Kabataan ang kanilang pag-indorso sa kandidatura ni Leni Robredo kasama na ang buong tiket ng Tropang Angat, na ginanap ang huling pagtitipon sa Lungsod ng Bacolod.
Ang bidyo po ay halaw sa kampanya ng buong Tropang Angat na naghahandog ng Gobyernong Tapat para maging angat ang buhay ng mamamayan.
Kung maari po, pakishare sa inyong pili at paboritong social media para makatulong sa pagpalaganap ng mabuting hangarin ng Leni Robredo at Kiko Pangilinan tandem kasama ang mga kandidato sa pagka senador. Maraming Salamat po.
- Always make people win, leadership is action #shorts - June 8, 2022
- Ang Liwanag ng Aming Puso - May 23, 2022
- Robredo: Nagpasalamat sa Suporta Ilulunsad Angat Buhay NGO - May 14, 2022