Nation, News

Robredo urges Pinoys to be humble, give love, bring hope and unity

Cbanga360.Net - The Bicol Street Journal

Published         24 Dec , 2016      2:58 pm          134 views.

VP Leni Robredo urges Pinoys to bring happiness to the country.

This is the Christmas 2016 message of Vice President Leni Robredo posted on her facebook account.

Maligayang Pasko po sa inyong lahat.

At mula sa akin sa aking mga anak at sa opisina ng pangalawang pangulo.

Hindi ba’t kapag lumalamig na ang simoy ng hangin tayo ay nakakaramdam na ng ligayang dala ng kapaskuhan?

Nariyan ang pagtatagpong muli ng mga kamag-anak at mga kaibigan lalo ng ang mga OFW na galing pa sa ibang bansa.

Nariyan ang carolling, parol, puto bumbong at simbang gabi. Mga bagay na inaabangan nating lahat tuwing Disyembre mula ng tayo ay bata pa.

Lahat ng ito ay tila nagsasabing iwanan natin sumandali ang ating mga pangamba at ipagdiwang ang kapanganakan ni Jesus.

Subalit may mga survey nagsasabing kumakailan lang ang ating mga kabababayan ay may nararamdamang takot at pag-alala.

Lubos kong ikinakalungkot aag pagkabahala ng ating bayan sa panahong tayo ay dapat nagdidiwang.

Tandaan natin na si Jesukristo ay ipinanganak sapanahon ng pag-uusig at pagdurusa. Isang munting sanggol ang nagdala ng ilaw at pag-asa sa isang bayang balot sa takot.

At ang munting sanggol na iyon ay siya ring nagdala ng kaligtasan sa buong sanlibutan.

Sa tingin ko hindi aksidente ang unang nakatanggap ng balita ng kanyang pagsilang ang mga pastol. Silang may mga simpleng pamumuhay.

Marahil dahil sa kanilang abang katayuan sila ang unang nakarinig at sumunod sa tawag ng mga anghel.

Ang mensaheng natanggap ng mga pastol ay mensahe para sa ating lahat.

Ang bawat isa sa atin ay inaanyayahang magpakumbaba at makinig sa isat-isa, maghatid ng pag-asa sa halip na panghinaan ng loob. Magbigay ng pagmamahal, hindi galit at poot. Magdala ng pagkakaisa hindi palalimin ang pagkakaiba-iba.

Naniniwala ako na kaya natin hawiin ang kadiliman at magdala ng ligaya sa ating bayan.

Sa ganitong paraan ang ningning ng dekorasyon at mga ilaw sa ating kapaligiran ay kikinang din sa ating mga puso ngayong Pasko.

Muli, isang mapagpalang Pasko sa ating lahat.

Watch and hear the full message below:

THIS ARTICLE IS RELATED TO    ,

Suggested For You