Mayor Trina Odiongan Romblon Shoutout for Kiko at Leni

Mayor Trina Fabic
Ang pagpapakilala Mayor Trina Fabic at shoutout ng Romblon para kay Senador Kiko at Bise Presidente Leni Robredo na parte ng sobrang sayang pagbisita kampanya ng Tropang Angat sa Lalawigan ng Romblon at partikular sa bayan ng Odiongan, Tablas, Romblon Huwebes, Marso 10, 2022.

Sa mabungang pagtatapos sa pagbisita kampanya ng team Tropang Angat sa lalawigan na dinaluhan ng humigit kumulang sampung (10) libong mamamayan, matanda at kabataan na tinatayang (3.23%) 3.23 porsiyento ng kabuuang populasyon ng Romblon.

Ito na po ang maaring sabihing pinakamalaking numero ng tao na lumahok at nakisabay sa kampanya ng Tropa (numero ng kabuuang lumahok vs total numero ng populasyon ng lalawigan).

Huwag hamakin ang dagsa ng numero kung iisipin na ang mga lumahok ay nanggaling pa sa isla at kabisera ng probinsiya na Romblon, isla ng Sibuyan (at mga bayan nito), isla at bayan ng Concepcion, Banton, atbp.

Tinawid ang dagat, sa gitna ng ulan at init ng araw! Ito ang malakas na pagpapakita ng suporta ng taumbayan, walang sinabi ang pera at makinarya.

Kusang loob at maligayang nagsidalo ang mag tao ng walang pinilit, walang dumalo dahil binayaran lamang. Pinataba ng taumbayan at kabataan ang puso at diwa ng mga kakampi sa pagbigay pugay sa kalinisan ng hangarin at kabutihan ng loob ng Bise Presidente Leni Robredo at ng buong Tropang Angat.

Kung maaari po, pakishare sa inyong pili at paboritong social media para makatulong sa pagpalaganap ng mabuting hangarin ng Leni Robredo at Kiko Pangilinan tandem kasama ang mga kandidato sa pagka senador. Maraming Salamat po.

Tell us your thoughts on this article. If logged in with any of your Wordpress.com, Twitter, Facebook, Google+, or registered on this site before, then you can simply write your comment below. Thanks and appreciate your feedback.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.