As the nation celebrate the new year of 2017 vice President Leni Robredo sends her felicitations to all Filipinos with a message using the social media.
Robredo wished that in the new year Filipinos will have their homes filled with light and peace, remain hopeful and always have faith for the good and right will prevail in the end.
Read more of the New Year 2017 message of vice President Leni Robredo to all Filipinos:
Isang manigong bagong taon sa inyong lahat mula sa inyong lingkod, sa aming pamilya at sa opisina ng pangalawang pangulo.
Sa ating pagsalubong sa bagong taon mapuno nawa ang ating mga tahanan ng liwanag at kapayapaan.
Kung may katiwasayan sa look ng ating mga tahanan mananatili tayong malakas kahit anong unos pa ang maaaring yumanig sa ating bayan.
Kahit sa pinakamatinding kadiliman lagi tayong may mahahanap na liwanag matuto lamang tayong tumanaw na may pasasalamat sa ating mga puso.
May kumakalat na madilim na pagbabago hindi lang dito sa ating bayan kundi sa buong mundo.
Pagbabagong dala ng desperasyon at poot ng mga taong naiwanan sa pag-unlad. Ang mga taong lugmok sa kahirapan ay humihiyaw sa galit.
At bakit naman hindi?
Sila naman talaga ang dapat ang pinakikinggan ng ating pamahalaan at nating lahat.
Nitong parating na taon isapuso natin ang magandang pagbabago sa ating sariling pamumuhay at saating pagiging Pilipino.
Mahalin nating ang simpleng pamumuhay at simpleng kaligayahan.
Palalimin ang pamamaraan ng pagsisilbi sa ating mga minamahal at lawakan ang ating pagunawa para sa mga nsasa laylayan ng lipunana.
Dala ng bagong taon ang bagongmga pagkakataon.patuloy tayong magtiwala.lagi tayong manalig na sa dulo ng lahat ang tama at mabutiang siyang laging mananaig.
Muli, isang masaya at masaganang bagong taon sa ating lahat.
Watch and listen to New Year 2017 message of vice President Leni Robredo below:
- The Full Trivia on Peñafrancia, and Then Some - August 28, 2024
- Colgante Bridge Downfall Fatalities and New Beginnings - November 21, 2023
- The Sorrows and Pains of Colgante Bridge Downfall - November 21, 2023