Maraming Salamat at Pagpalain Kayo ng Diyos – Nora Aunor
After the brouhaha on P-Noy’s failure to recognize how to measure an artist’s overwhelming contribution to the national identity and withheld the National Artist Award to Bicolana Superstar Nora Aunor (Nora Villamayor in real life), the diminutive actor broke her silence with this message:
Gusto ko pong magpasalamat sa lahat ng mga taong sumuporta at patuloy na sumusuporta sa akin sa panahong ito ng usapin tungkol sa National Artist Awards.
Inaamin ko pong nasaktan ako sa mga nangyari. Pero ang dagsa ng suporta na nakita ko at naramdaman mula sa aking mga kababayan — mga katrabaho ko sa industriya, mga fans at mga kaibigan, mga pari at madre, mga guro at iba pang taga-akademya, mga taga-media, mga National Artists, mga pangkaraniwang mamamayan dito at sa ibang bansa — ay sapat-sapat na upang maramdaman kong maski wala mang tropeo o karangalang igawad sa akin ang mga nasa kapangyarihan, iniluklok naman ako ng mga kababayan ko habang buhay sa kanilang mga puso bilang isang artista ng bayan.
Para sa akin po ay mas totoo at mas masarap ang karangalang ito dahil taos-pusong nanggagaling sa mga taong siyang dahilan kung bakit ako nagpapakabuti bilang isang artista — ang mga mamamayang Pilipino. Ang pagsuportang ito ang lalong nagbibigay ng lakas ng loob sa akin, at ng walang kapantay na inspirasyon, upang lalo kong pagbutihin ang aking sining, upang lalo akong sipagin sa pagbabahagi ng kung anumang talento meron ako, at upang lalo ko pang pag-ibayuhin na maging isang mabuti at marangal na mamamayang Pilipino.
Maraming salamat po at pagpalain po kayo ng Diyos.
Maraming salamat at pagpalain kayo ng Diyos, Nora to her fans. But not to those who bound the hands of the president thereby withdrawing the supposed award?
- REPLAY: What say you on SUPER BOWL 2020 Pepsi half time show - February 5, 2020
- COPY HORSE? US jury says Perry song infringe copyright - July 30, 2019
- FALSE: LizQuen movie ‘Alone/Together’ grossed $350-million - April 16, 2019
“The Order of the National Artists Award is jointly administered by the NCCA and the CCP and conferred upon the recommendation of both agencies.
Under the criteria, the National Artist Award could be given to living artists who are natural-born citizens at the time of nomination, or artists who died after 1972 but were Filipino citizens at the time of their death; artists who, through the content and form of their works, have helped build a Filipino sense of nationhood; artists who pioneered a mode of creative expression or style, earning distinction and making an impact on succeeding generations of artists; artists with a substantial and significant body of work, or those who have consistently displayed excellence in their art form; and artists who have enjoyed broad acceptance through prestigious national or international recognition, critical acclaim or review of their works, and respect and esteem from peers.”