Pinainit ni Mega ang Paglaum at 70K+

Megastar Sharon Cuneta Pangilinan
Shoutout mula kay Megastar Sharon Cuneta kasama ang humigit na 70,000 na taga Bacolod at Negros Occidental na pinangungunahan ni Gov. Lacson na dumalo sa Grand People's Rally ginanap sa Paglaum Sports Complex Marso 11, 2022.

🔴 Red Monkey Talks ikinalulugod na ibahagi and malakas na shoutout mula kay Megastar Sharon Cuneta kasama ang humigit na 70,000 na taga Bacolod at Negros Occidental na pinangungunahan ni Gov. Lacson na dumalo sa Grand People’s Rally ginanap sa Paglaum Sports Complex Marso 11, 2022.

Sa mataong pagtatapos sa pagbisita kampanya ng buong Tropang Angat sa lalawigan ng Negros Occidental at mga lungsod nito na dinaluhan ng libo-libong supporters masasabi nating Kulay Rosas ang Negros/ #Negrosispink.

Malakas na pagpapakita ng suporta ng taumbayan, walang sinabi ang pera at makinarya. Kusang loob at maligayang nagsidalo ang mag tao ng walang pinilit, walang dumalo dahil binayaran lamang.

Pinataba ng taumbayan at kabataan ang puso at diwa ng mga kakampi sa pagbigay pugay sa kalinisan ng hangarin at kabutihan ng loob ng Bise President Leni Robredo.

Dahil na rin sa ipinakitang dedikasyon at tapat na paninilbihan sa gobyerno, maraming kabataan ang dumalo sa pagtitipon. iginawad ng Sangguniang Kabataan ang kanilang pag-indorso sa kandidatura ni Leni Robredo kasama na ang buong tiket ng Tropang Angat, na ginanap ang huling pagtitipon sa Lungsod ng Bacolod.

Ang bidyo po ay halaw sa kampanya ng buong Tropang Angat na naghahandog ng Gobyernong Tapat para maging angat ang buhay ng mamamayan.

Kung maari po, pakishare sa inyong pili at paboritong social media para makatulong sa pagpalaganap ng mabuting hangarin ng Leni Robredo at Kiko Pangilinan tandem kasama ang mga kandidato sa pagka senador. Maraming Salamat po.

*26

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *