Don’t want to watch the playback video coverage of the just concluded 3rd and last presidential candidates’ PiliPinas Debate 2016 held in Phinma University of Pangasinan in Dagupan City? Then, take your time and dig in to the text only, the transcribed version of the dabate here as provided by the Commission on Elections.
INTRODUCTION
Karen Davila: Nakatutok po kayo sa PiliPinas 2016 Town Hall Debate dito sa PHINMA University of Pangasinan. Ang huling harapan na ito ay hatid po sa atin ng Comelec, KBP, ABS-CBN, at Manila Bulletin. Mga Kapamilya, nandito po tayo sa Pangasinan. Isa po ito sa pinakamalaking lalawigan sa Luzon at pangatlo sa pinakamaraming botante sa buong Pilipinas.
Tony Velasquez: At wala man kayo dito sa PHINMA University of Pangasinan, sama-sama pa rin tayo dahil napapanood po tayo sa ABS-CBN, sa ABS-CBN News Channel at ANC on HD, sa DZMM TeleRadyo, sa news.abs-cbn.com/live at sa mb.com.ph. At para po sa mga kapamilya natin na nasa abroad, live din po tayong mapapanood sa The Filipino Channe
Karen Davila: Simulan na po natin. Nagbunutan po ang mga kandidato para sa kanilang pambungad na salita. Sa loob ng dalawang minuto sagutin nyo ang taongbayan. Kung ikaw ay mahahalal bilang pangulo, paano mo isasalarawan ang Pilipinas sa 2022 pagkatapos ng iyong termino? Simulan po natin kay Senator Miriam Defensor-Santiago.
[Applause]
CANDIDATES’ OPENING STATEMENTS
Sen Miriam Defensor-Santiago: Republic of the Philippines, come hold my hand and I will fly you to the future. There would be a uniform rule of law, not the rule of men or of people who bribe judges and other arbitrators in litigation. Our economy will be devoted to construction and reconstruction and will always – and will always be able to depend on 5% to 7% of the GDP. However, despite all these frenzied activity, we will keep the budget at 3% of GDP. In agriculture, we will modernize with irrigation, water impounding facilities, infrastructure, credit available for poor farmers and other technological advances in agriculture that other countries have already adopted. In the field of the peace and order, the police and the military will have bigger budgets and will have better training and will have better equipment. And finally, most exciting of all, we shall have a new alternative city somewhere near Clark area where we shall have at last freedom from congestion. But finally, my emphasis will be on the youth, the young people of this country. I’ve always loved the young people and I will never fail them in the next six years. Thank you.
[Applause/Crowd Cheering]
Tony Velasquez: Maraming salamat. Ang susunod naman na magsasalita ay si Mayor Rodrigo Duterte.
[Applause/Crowd Cheering]
Mayor Rodrigo Duterte: May I address myself to the nation, to the Filipino people and to the Pangasinense, magandang hapon po sa inyong lahat. We are nearing the end game in a few days. We have stated our programs here not clear, but sometimes very clear. I am presenting myself as a candidate for the Presidency. You have seen me in public, how I behave and you have heard my blunders of words and, you know, we have have our faults. I have many in my life. But one thing I can assure you, as I have done before and which I am up to, I said, if you just listen to my epithets, my curses and my, you know, bad words, look at my back, for you’ll see there the Filipino on bended knees; hungry and very mad at this country for doing nothing. I would like to correct certain injustices in this government. But I can assure you that it will be a clean government and you will have a peaceful country and of course I said, drugs, which is my main target, I hope to suppress them to the end. All that I can say is I have many plans. I can even copy the plans of my good friends here, Grace and Ma’am Miriam. For after all, it is a product of intellect which I can use. Sanay naman akong mangopya. Grade 1, nagkokopya na po ako. [Applause/Crowd Cheering] Maraming salamat po.
Karen Davila: At ang susunod po, Vice President Jejomar Binay.
VP Jejomar Binay: Pagdating po ng 2022, nakaranas po ang ating bansa sa Binay Administration, ang bansang Pilipinas ay umunlad, ang mamamayang Pilipino ay angat po ang buhay. Bakit? Sa bahagi po ng pamilya, halos lahat ng Pilipino ay magkakaroon ng sariling disente na pamamahay. Dyan po naman sa kalusugan, ang mga Pilipino ay magiging – ay naging malusog at malayo sa sakit. Ang ating pong mga ospital ay de kalidad at makapag-bibigay – nagbibigay ng libreng pagamot at pagka-confine sa mga mahirap. Sa bahagi po naman ng edukasyon, sa edukasyon, ah, ang buong Pilipinas po, eh makaranas ng may computer ang lahat ng eskwela, at ang mga pangangailangan ng ating mga bata sa eskwelahan, libreng lahat. Sa bahagi po naman ng hanap-buhay, yung employment, ang employment po, wow, halos lahat ng Pilipino ay may trabaho. Bakit? Kasi dadagsa po ang mga foreign investors, gaganda ho ang ating mga pa-trabaho sa agriculture, sa manufacturing, sa export, sa tourism, at sa BPO. At sa pagkain po naman. Sa Binay administration, lahat po ng pamilyang Pilipino ay nakakakain ng tatlong beses. Sa bahagi ho ng pamahalaan. Ah, wala na hong kapalpakan. Hindi na ho nangyari yung analysis by paralysis. Sapagkat ang aking pong mga kasamang mamumuno, eh, may competence at merong integrity. Yan po ang mangyayari. At sa bandang huli, ang Pilipino ay maipagmamalaking sya ay Pilipino.
[Applause/Crowd Cheering]
Tony Velasquez: Maraming salamat, Vice President Binay. Ang susunod naman na magsasalita ay si Senator Grace Poe.
Sen. Grace Poe: Masantos ya labi ed sikayo amin. Naimbag nga rabi-i kadakayo amin apo. Ang akin pong ama, ang kanya pong tatay na si Fernando Poe Sr. ay pinanganak po dito sa Pangasinan. Ikinalulugod po namin na ang pinaka-huling debate ng Comelec ay dito ginanap sa aming lalawigan. Sa ating pong mga kababayan, sa darating po na halalan dalawa lang po ang landas na pwede natin tahakin. Ang isa ang landas na pwede nating ipagmalaki sa ating mga anak, ang isa naman ay landas ng pabalik o kadiliman. Ayaw na natin ng gobyerno na manhid, na hindi pinapakinggan ang daing ng ating mga kababayan, na bulag sa kahirapan, na marami pa ring mga batang nagugutom, na marami pa ring mga batang ginagapang ang kanilang pagaaral at nagpapakamatay dahil hindi makatapos ng kolehiyo, na ang ating mga magsasaka ay nagbabayad ng irigasyon na wala namang tubig, na ang ating mga mangingisda ay mag-isang pumapalaot, nilalabanan ang mga bangka ng Tsina na gamit lamang ay bato. Ang ating pong bagong administrasyon ay tututok sa tunay na pangangailangan ng ating mga kababayan. Permanenteng trabaho, pagkain sa bawat mesa, paggalang sa karapatan ng lahat, lalung-lalo na ang mga kababaihan na dapat siguro ay bigyan ng pansin at hindi maliitin at hindi apihin. Sa atin pong administrasyon dadalhin ko kayo sa isang lugar kung saan ang bawat lahat ay may patas na pagkakataon at hindi ang iilan lamang. Mga kababayan, pinakamadilim po ang gabi bago mag umaga. Manalig po kayo, darating din po tayo dun, pero kinakailangan po, mamili tayo ng tama at higit sa lahat isipin natin ang makakabuti sa bansa.
[Applause/Crowd Cheering]
Karen Davila: At susunod na po si Secretary Mar Roxas.
Sec. Mar Roxas: Magandang gabi po sa inyong lahat. Maraming, maraming salamat sa inyo. By 2022 nakikita ko ang ating bansa, maunlad at desente. Isang bansa na puno ng pagkakataon. Sampung milyong trabaho ang malilikha sa anim na taon ng ating termino. Itong mga trabaho sa pagawaan, pabrika, call centers, sa turismo, construction, sa small and microenterprises, lahat ito ay uusbong dahil magiging malago ang ating ekonomiya. Nakikita ko ang isang bansa na malaya sa takot. Kung mahirap ka, may tiyak kang tinitirhan. Kung ika’y tinamaan ng sakit, lindol, bagyo o kahit anong sakuna, ang gobyerno mo ang sasagot sa iyo. Kung ika’y magsasaka, mangingisda, merong weather-based insurance para hindi ka mapurnada. Ang krimen, nilulutas sa batas, hindi dahas. Ang gulo, nilulutas sa pamamagitan ng kalye at kabuhayan, hindi sa pulbura. Nakikita ko ang isang bansa na malayang mangarap, kung saan dadamihan pa natin, milyong-milyon ang idadagdag natin sa 4Ps para mas marami ang matutulungan nito at mas marami ang makakasiguro na magga-graduate ang kanilang mga anak. Ang ating mga graduates, magkakaroon ng scholarship para makapagpatuloy sa kanilang pag-aaral. Hindi magiging hadlang ang inyong kahirapan para sa pagtanggap ng maayos na edukasyon. Ito ang disente at maunlad na bukas na nasa sa harapan natin. Ang kailangan lang na gawin natin ito at kunin natin ito. Nasa sa kamay natin ang ating kapalaran. Inaasahan ko, samahan nyo po ako para bumuo ng isang magandang bukas para sa ating lahat. Maraming salamat.
[Applause/Crowd Cheering]
Tony Velasquez: Maraming salamat po sa inyong mga pahayag. At ngayon po ay didiretso na tayo sa ating Town Hall Debate. Panoorin po natin.
[Video playing]
FIRST ISSUE: CONFLICT IN WEST PHILIPPINE SEA
Tony Velasquez: At ang atin pong unang isyu na tatalakayin ngayong gabi, ang paninindigan sa West Philippine Sea. Alam po natin na agresibo ang China sa pag-angkin ng ilang bahagi ng ating karagatan. Hindi lamang ito banta sa seguridad ng ating bansa, kundi apektado na rin pati ang mga kabuhayan ng mga mangingisda. Pakinggan po niyong mabuti ang kuwento ni Mang Carlo.
[Video playing]
Mang Carlo: Hindi kagaya noong kahit magsisid ka maghapon, okay lang, walang nagbabawal. Ngayon, ang pangingisda natin diyan parang ninanakaw natin ang sarili nating, kuwan eh, isda. Para tayong mga hayop na tinataboy ng mga China na yan. Binababa nila yung mga speedboat nila tapos ‘pag kuwan, hindi maitaboy, binabangga yung mga katig ng bangka, pinuputol ang angkla. Kumonti huli namin. Tamang-tama lang sa pamilya. Pambayad pa ng utang ang iba. Kailangan talagang makuha natin ‘yan. Hindi naman sa kanila yan eh, sa atin talaga.
Tony Velasquez: At narinig niyo po ang kuwento, ang mga karanasan ni Mang Carlo. Kasama po natin siya ngayong gabi dito sa University of Pangasinan. So ngayon –
[Applause] Kaway po kayo. So ngayon may katanungan para po sa lahat ng ating kandidato si Mang Carlo. Carlo?
Mang Carlo: Sa inyo pong tumatakbong maging pangulo ng ating bansa, ano po ba ang puwede niyong gawin para sa aming mangingisda upang matulungan kami na hindi itaboy ng Chinese Coastguard at para maka-pamingwit kami ng mabuti, na mapayapa? Yun lang po.
Tony Velasquez: Narinig niyo po ang katanungan mismo na nanggaling na kay Mang Carlo. So sana nga po ay matugunan niyo ang kanyang problema at ang problema po ng lahat ng mga mangingisda ngayon doon sa West Philippine Sea. Ang una po nating tatanungin para po sa kanyang kasagutan, si Vice President Binay.
VP Jejomar Binay: Alam mo brod, naintindihan ko ang hirap na dinadanas ninyo ano ha. Biro mo dati-rati, libre ang pangingisda ha, ang una kong gagawin eh gagawa ako ng paraan upang makausap ko ang pamunuan ng Tsina na kung maaari habang pinag-uusapan pa ang pagmamay-ari ng mga lupang iyan, eh kayo eh payagang mangisda. Pero habang nag-uusap-usap pa eh pipilitin ko na kayo, brod, eh mabigyan ng puhunan para kayo ho ay magkaroon ng livelihood ha. Pangatlo, eh yun hong – yung pangangailangan – kaya kayo ho’y nangingisda dahil sa gusto ho ninyong mapaaral ang anak ninyo ha. Bibigyan ho natin ng free education po yung anak ninyo. Eh kaya kayo ho kayo nangingisda eh dahil ho sa yun hong mga gamot at pagka-hospital e libre gamot, libre hospital ha. Yun hong ibang pangangailangan pa ho ninyo, nandiyan po ang pamahalaan para tumulong sa pang araw-araw na kailangan ninyo sa buhay ninyo.
[Applause/Crowd Cheering]
Tony Velasquez: Maraming salamat, Vice President Binay. Pakinggan naman po natin ang kasagutan mula kay Senador Miriam Defensor.
Sen. Miriam Defensor-Santiago: Dalawang paraan makatulong ang gobyerno sa inyo. Una, legal at pangalawa, diplomasiya. Sa legal na paraan, kung nandiyan sila sa ating katubigan at kinukuha pa ang isda natin, kamukha nung sinabi ko nung Immigration Commissioner ako, tatawagin ko ang Coast Guard, bombahin ko yung mga iyon. [Applause/Crowd Cheering] Ngayon, ang pangalawang paraan naman ay ang diplomatiko. Kausapin natin sila. Tapos sasabihin natin, “We have world public opinion behind us.” Ang paniwala ng buong mundo na atin talaga yung tubig na yan eh. Kaya huwag niya tayong paandaran ng ganyan. That’s all.
[Applause/Crowd Cheering]
Tony Velasquez: Maraming salamat. Maraming salamat Senador Miriam. Ang sunod naman po na sasagot kay Mang Carlo ay si Mayor Duterte.
Mayor Rodrigo Duterte: Alam mo, dapat malaman natin kung saan kayo ngayon. We have submitted ourselves to an arbitration. Parang korte, international, and we have submitted our papers and documents of claim. Ang China naman po, has insisted sovereignty na kanila pero ayaw nilang mag-submit sa jurisdiction. But anyway, magsubmit sila o hindi, the court or the arbitration court can go on and hear the case. Ngayon pag-sinabi panalo tayo, ayaw ng China, I will not go to war. Sabi ng dalawang – the distinguished speakers, pupunta ako sa China. Ngayon pag ayaw nila, then I will ask the navy to bring me to the nearest boundary dyan sa Spratly – Scarborough. Bababa ako, sasakay ako ng jet ski, dala-dala ko yung flag ng Pilipino at pupunta ako doon sa airport nila tapos itanim ko, then I would say, “This is ours and do what you want with me.” Bahala na kayo. I would state that claim and if they want to, you know – eh matagal ko ng ambisyon yan na maging hero rin ako. Pag pinatay nila ako doon, bahala na kayong umiyak dito sa Pilipinas.
[Applause/Crowd Cheering]
Tony Velasquez: Mayor Duterte, maraming salamat po. Dalawa na lang po ang sasagot. Ang susunod po ay si Senator Grace Poe. Senator Poe.
[Applause/Crowd Cheering]
Sen. Grace Poe: Nakikisimpatya – nakikisimpatya ako sa inyong problema. Ang totoo po niyan ang ibang bansa sa Asya pinoprotektahan talaga ang kanilang mangingisda. Ang mga Indonesians ganun. Ang Tsina nagbibigay ng radyo sa kanilang mga mangingisda at pag tayo ay nakasalubong nila, tinatawagan nila ang kanilang coastguard at sinasalba sila. Tayo, wala tayong matawagan. Unang-una, dapat dagdagan natin ang ating mga coastguard na mga barko. Pwede natin i-order yan kahit sa Cebu. Pangalawa, bigyan natin ng radyo ang ating mga mangingisda para may tutulong sa kanila. Nakita nyo yung kwento doon sa may Infanta? Meron isa, s’ya na nagbabato sa mga Tsino. Ngayon, tama, kailangan ninyo ng iba pang pangangailangan katulad ng scholarships para sa inyong anak at pambili na rin ng mga bagong equipment sa pangingisda. Iyan po ay kasama sa programa namin. Bawal din kasi ang mga commercial fishing vessels mga 15 kilometers from the shoreline. Hindi po pwede kayong agawan ng isda doon sa mga lugar na yun kaya dapat kausapin ang local government na tulungan talaga kayo. Pero hindi private – hindi po personal aquarium ng mga Intsik ang West Philippine Sea. Atin yon at dapat hikayatin natin ang ating mga kakampi, kung tunay silang kaibigan, tulungan talaga nila tayo at huwag natin isuko yon. Salamat po.
[Applause/Crowd Cheering]
Tony Velasquez: Maraming salamat, Senator Poe. At pakinggan naman natin ang tugon mula kay Secretary Mar Roxas.
[Applause/Crowd Cheering]
Sec. Mar Roxas: Manong, ito ang katotohanan. Dalawa ang aspeto sa problema mo. Isa, yung problema mo, personal. At tulad ng iba pang mga mangingisda tulad mo, nandyan yan sa may Zambales at Pangasinan coast. At pangalawa, yung international na aspeto. Tugunan muna natin yung tungkol sa iyo. Importante dito na mapanatili mo, mataguyod mo ang iyong pamilya kaya cash for work, automatic 4Ps, automatic PhilHealth para may katiyakan ka sa buhay, may pagkukunan ka ng pang-araw-araw mo na pangangailangan. Dagdag pa doon, yung pag-asa mo para sa iyong mga anak, ipagpapatuloy natin sa pamamagitan ng pagsisiguro na makakapag-aral sila. Hindi lang yung mga anak mo dahil nandito ka sa ABS-CBN, pero sa lahat ng mga mangingisda na tulad mo na apektado nitong hidwaan na ito. Pagdating natin – pagdating naman natin sa international, tanggapin natin, ang sitwasyon natin sa Tsina ay dehado tayo. Mas marami silang barko, mas maraming baril, mas maraming aircraft, may nuclear, et cetera. Subalit, hindi natin dapat isuko kung ano ang atin. Kaya tayo dumulong sa korte, tayo ay humingi ng tulong sa international. Magpasya ang international pabor sa atin, ang kabuuan ng impluwensya at ng tulong ng international ngayon ay maaasahan natin. Yan ang ating katayuan at yan ang ating gagawin. Tutugunan ang pangangailangan mo pero hindi natin isusuko ang atin.
[Applause/Crowd Cheering]
Tony Velasquez: Maraming salamat Secretary Mar Roxas. At ngayon po ay iikot pa rin tayong muli sa ating mga kandidato. Bibigyan pa po natin sila ng 30 seconds para dagdagan ang kanilang mga sagot. Kung sakali man, kung gusto niyo mag react po kayo sa mga narinig niyo na mula sa inyong mga katunggali. Magsimula po tayong muli kay Vice President Binay.
VP Jejomar Binay: Okay na. Nasabi ko na yung dapat kong itulong sa ating kababayan sa problema niyang hinaharap.
Tony Velasquez: Wala na pong madagdag si Vice President Binay. Sunod naman po na sasagot muli si Senator Miriam.
Sen. Miriam Defensor-Santiago: Napaka – napakadaling sabihin na i-giyera natin ang Tsina. Eh kung matalo ang Tsina at nagsurrender silang lahat, anong ipapakain natin sa kanila? [Laughter/Crowd Cheering] Kundi kailangan niya sa lahat na bukas na paraan, bintana or pinto, papasok tayo doon sa diplomasiya. Dalawang klaseng diplomasiya eh, una, yung state advocate at pangalawa –
Tony Velasquez: I’m sorry. I’m sorry Senator Miriam pero naubos na po yung 30 seconds po ninyo.
Sen. Miriam Defensor-Santiago: All right. Yes.
Tony Velasquez: Ngayon naman po tanungin natin kung mayroon pang idadagdag si Mayor Duterte.
Mayor Rodrigo Duterte: Yes. We have to establish the legitimacy of our claim. Kailangan hawak-hawak natin dokumentong nanalo tayo sa korte. And then, we demand sa China to empty the place. Amin yan, exclusive economic zone. So kung ayaw ninyo at ayaw tayong tulungan ng America at magka-giyera, that will be a massacre. I will not commit the lives of Filipino soldiers. Kaya ako na lang ang pupunta doon. Why waste time? Ako na lang. Kung ganoon, okay lang.
[Applause/Crowd Cheering]
Tony Velasquez: Mayor Duterte, maraming salamat. Additional 30 seconds for Senator Poe.
Sen. Grace Poe: Alam niyo po yong sitwasyon dito sa Tsina parang – parang sa paaralan kung saan binu-bully yong mga Grade 1. Tayo yon. Yong ating mga ibang kakampi naman sa Asya parang mga Grade 2. Yong iba nating mga allies nasa high school, gusto tayong tulungan, gusto tayong tayuan. Pwede nating hingin ang kanilang tulong basta wala tayong isinu-surrender sa kanila na ating sovereignty o kalayaan dahil hindi naman natin pwedeng isugal din ang buhay ng ating mga Navy. Pero kasama rin dun, kailangan tayong manindigan sa ating teritoryo.
[Applause/Crowd Cheering]
Tony Velasquez: Senator Poe, maraming salamat. Muli, 30 seconds para kay Secretary Roxas.
Sec. Mar Roxas: Maraming salamat, Tony. Ang pagiging pangulo ay pagiging Commander-in-chief din ng ating Sandatahang Lakas. Dapat maging mahinahon tayo dahil bawat salita ng isang pangulo, ng isang Commander-in-chief ay sinusundan ng ating mga kasundaluhan at ng ating kapulisan. Buhay nila ang nakataya dito. Hindi ito isang laro. Hindi ito isang ping pong. Mahalaga po na makahanap tayo ng diplomasya para malutas ito. Talo ang mga – mamamatay ang mga sundalo natin.
Tony Velasquez: Maraming salamat Secretary Roxas. Carlo?
Mang Carlo: Marami pong salamat sa inyo.
Tony Velasquez: Okay. Salamat din po, Carlo. At ngayon naman ay pumunta tayo sa ating kasamang si Karen Davila para sa ikalawang issue po sa ating debate. Karen?
2nd ISSUE: WORSENING TRAFFIC SITUATION IN MANILA
Karen Davila: At ang issue number two natin – matindi at perwisyong traffic. Wala na itong pinipiling oras o araw po sa Metro Manila, pati po pagsakay ng MRT at LRT, pahirapan. Tiis-tiis na lang ba tayo lagi? Ito po ang kwento ni Aling Perla.
[Video playing]
Aling Perla: Ang gising natin, ano na, 4am para maaga ring makaalis, kasi para ‘di ako abutan ng traffic. Yung 15 pesos hanggang terminal. Two to three years na na ganito ka worse ang traffic. Nakarating din sa office, late pa rin. Memo na naman, deduction from 500 to 1000 dahil sa traffic na yan. Traffic. Six tayo umalis? O, nine o’clock. Three hours ha! Kailangan magtyaga para sa family.
Karen Davila: Nakita niyo po yun, anim na oras sa isang araw nasa traffic si Aling Perla. Aling Perla, ito po ang mga kandidato. Anong tanong po ninyo, ma’am?
Aling Perla: Magandang gabi po. Sa tinagal-tagal po na nag-cocommute ako, talaga pong sobra na po yung perwisyo na dulot ng traffic ngayon. Nanghihinayang na po kami sa oras, pagod, pera na nasasayang namin na dapat sana naibibigay namin sa pamilya namin. Ngayon po, bilang mga kandidato, ano po ang agarang solusyon na maibibigay niyo sa amin para po sa kalbaryo namin sa trapiko hindi lamang po sa EDSA, sa ka-Maynilaan, pati na rin po sa buong Pilipinas? Maraming salamat po.
Karen Davila: Maraming salamat po, Aling Perla. Ang mauuna po ngayon ay si Senator Miriam Defensor-Santiago.
Sen. Miriam Defensor-Santiago: Una, we have to build a new railway system connecting Manila to the interconnected provinces like Bulacan, Cavite, Laguna. Pangalawa, we have to have an entirely new railway system connecting Manila to Sorsogon. Pangatlo, we have to have a new modern airport because we have been classed as one of the worst airports in the world. Finally, the president must appeal very strongly for discipline among drivers both public and private. And then, he should lean on the LTO to make sure that those who get licenses are qualified persons because you can buy a license any time, any time. So, there are ways of solving the traffic problem and there is no need to despair. Help should be coming, but I know where to fund – where to finance these – who are to fund these projects except that I might over – go over time. Number one, if we build infrastructure. Number two, if we are – manufacturing is robust. And number three, if our agriculture is modern.
[Applause]
Karen Davila: Maraming salamat, Senator Miriam. Mayor Duterte?
Rodrigo Duterte: There is no silver bullet and magic to solve the traffic problem now. And the six years that’s given to the president – and maybe I would take about a year or two to improve. One MRT, LRT and build another as suggested by – mangopya ako kay Madam Santiago. We have to build new railways, the fastest and where, maybe along Pasig River, kasi hindi ka na magbibili ng road right of way. But just the same, I have to improve the present situation. So I will ask LRT and MRT to add more trains and it should be like every ten or five minutes na mayroong ano, so that we can hold people and also limit, I said, in the streets – or the motor vehicles. We are pumping in 300-plus thousand motor vehicles every month. E yan, papasok lahat yan sa ating highway, sa ating EDSA. Saan natin ilagay yan? And we cannot stop them except that we have to improve the mass transit of people then try to explain that one by one for those dilapidated and earlier models must be out of EDSA. That’s the only solution that can (happen). Nothing else would really solve the problem. That’s the reality on the ground.
Karen Davila: Senator Grace Poe.
[Applause/Crowd Cheering]
Sen. Grace Poe: Marami po tayong pwedeng gawin. Hindi ganun kadali pero umpisahan natin sa road clearing at widening. Kailangan may disiplina. Hindi po personal parking lot ng ating mga kababayan ang mga kalsada. Umpisahan dun, i-enforce yung batas. Pangalawa, yung mga pri—yung mga naumpisahan ng proyekto, katulad ng South Luzon Skyway at saka yung North Luzon Connector Road dapat tapusin na yun. Yung ating MRT 7 na nag-break ground na, dapat yung kanilang proposed na delivery ng 2018, tutukan para yung mga kababayan natin mula Trinoma hanggang San Jose del Monte, Bulacan ay makabyahe. Yung LRT extension na matagal ng pinangako hanggang Cavite, dapat magawa na yan. Yan po yung nakikita natin sa ngayon. Ngayon, ang long-term, huwag dapat maikli lamang ang plano natin. Isipin natin sa pangmatagalan. Alam mo, posible magkaroon ng subway system eh para mas mabilis ang byahe kung – sabi nila binabaha dito, eh pero yung subway sa ibang bansa, sa ilalim ng karagatan dumadaan, kaya puwede dito. Pangalawa, yung PNR nga dapat makarating – noon, panahon pa ng 1800s nakakarating na yan sa Dagupan, bakit hindi ngayon. Limang taon lang from Manila to Dagupan, natapos na nila, tayo hanggang ngayon wala pa. Tapos, ako’y mag-aappoint ng isang secretary na traffic terminator. Wala siyang gagawin kundi babantayan ang bawat proyekto na matapos, right of way, dapat mabilis na maibigay para hindi nakababad. Cebu, dapat meron ding MRT, dapat Cagayan de Oro at ibang parte ng Pilipinas.
[Applause/Crowd Cheering]
Karen Davila: Vice President – Secretary Mar Roxas, sir. Akala ko po Vice President, ako yung nagkamali. Secretary?
Sec. Mar Roxas: My turn?
Karen Davila: Yes.
Sec Mar Roxas: Nauunawaan ko yung kalbaryo na dinadaan mo, Perla Mae, at ito naman talaga ang tinututukan natin. Etong katotohanan, yung mga ipinapangako pa lang ng ating katunggali ay ginagawa na. Halimbawa, sa MRT, pinangako nila na dadagdagan nila yung mga bagon, sa ngayon, may programa po tayo. Bawat buwan po, labingdalawang bagong bagon ang dumadating dito at isinasama sa current na system. By the end of one year, 144 ang madadagdagan na bagon, yung mga rail car diyan sa MRT 7 na yan. Yung MRT – sa MRT 3 na yan. Yung sa MRT 7 nag-ground break na. Meron tayong financial close, merong awarding, at ginagawa na. Nasimulan na at merong deadline kung kelan matatapos ito. Yung extension, LRT 2 hanggang doon sa Antipolo, sa Masinag, ginagawa na rin po yun at matatapos yun by 2017. Yung sinabi kanina na extension ng LRT 1 patungo hanggang sa Bacoor, dadalhin natin yan sa Dasmariñas at hanggang sa Calamba. Yan yung fast rail na gagawin natin tuluy-tuloy. Naka-bid-out na yan. Na-bid-out na yan hanggang sa Bacoor. At yan naman po yung phase 2 patungo sa Calamba. Ginagawa na po lahat yan. Pero ang mas importante, yung pag-overhaul ng mga prangkisa. Iisang bus, ibi-bid-out natin ito para hindi nag-aagawan ang mga bus sa mga pasahero at ino-occupy nila ang napakaraming mga lanes. Yan ang mga konkretong solusyon na gagawin natin.
[Applause/Crowd Cheering]
Karen Davila: Vice President Binay.
[Applause/Crowd Cheering]
VP Jejomar Binay: Alam po ninyo, Aling Perla ha – Aling Perla, yan mga plano, ganggabundok ho ang planong programa sa pagharap sa problema ng traffic. Eh ganun pa rin ho ang problema. Bakit ho? Eh kasi yun hong pagpapatupad hindi nangyayari, ha. Kaya nga yung mga plano-plano, sayang lang yan kung walang karanasan magpatupad at walang kakayahang magpatupad. [Crowd cheering] Ibig ko pong sabihin, Aling Perla, eh gagawin – magta – ilalagay ko po diyan ang isang competent, may kakayahang mamuno diyan sa problema ng trapiko. Katunayan eh balak ko ho na paghatiin yung DOTC. Yun hong magkakaroon po ng Department of Transportation at meron po namang Department on Communication. [Crowd cheering] Pangatlo, alam po ninyo, naging – naging gobernador po ako ng Metro Manila. Naging – namuno po ako sa Metro Manila Development Authority. Eh ang giya – ang giya po sa pagharap sa problema ng traffic eh tatlo po ‘yon, education, enforcement, engineering. Yun pong engineering ang dami na hong plano niyan, magagandang plano. Yung iba nga ho ay nabanggit dito eh. Hindi naman ho mababago yan eh. Kaya lang hindi ho natupad, hindi ho nangayari. Eh yung mga dapat magpatupag mali-mali naman at palpak ang pagkakatupad.
[Applause/Crowd Cheering]
Karen Davila: Maraming salamat, Vice president Binay. Aling Perla, nakuntento ka ba?
Aling Perla: Okay na po. Maraming salamat po.
Karen Davila: Ngayon may 30 seconds pa tayo. Sa puntong ito, puwede kayong magreact, klaruhin o hamunin ang sino man sa inyo sa narinig po ninyong plano ng inyong mga katunggali. Senator Miriam, nais niyo pong magumpisa.
Sen. Miriam Defensor-Santiago: Yes, kanina binanggit ko na magkakaroon tayo in the next six years a new capital city, somewhere near Clark area. And in that city, there would be not only a new government center like the one they have in Malaysia, an IT Park but also an educational center.
[Applause/Crowd Cheering]
Karen Davila: Mayor Duterte, kanina binanggit niyo at sa ibang mga interview walang solusyon sa trapik sa Metro Manila. May sinabi pa kayo sunugin na lang lahat ng kotse.
Mayor Rodrigo Duterte: No, I said there is no immediate and urgent solution there. As I’m saying, as long as we continue to pump in new cars or even those fabricated, traffic would always be a problem. It’s mass trans – in mass transit. Dagdagan mo ng train, dagdagan mo ng train ang extension, extension, dahandahan lang. That is doable in six years. At tiyaka yung isa on the long-term – kopyahin ko na lang yung sabi ni ma’am, maganda naman yun.
Karen Davila: Senator Grace Poe, sino ang traffic terminator na kukunin po ninyo?
Sen. Grace Poe: Bawas ba yun sa oras ko? Kasi meron akong gustong idagdag. Hindi?
Karen Davila: May pangalan ba?
Sen. Grace Poe: Meron – hindi. Wala pang pangalan, pero dapat may kakayanan, may engineering background, o may talagang expertise sa traffic. Pero, Karen, ito yung gusto ko ring sabihin, ano. Marami ngang magagandang plano, pero pag hindi naman nai-implementa, balewala. Katulad nyan, yung ibang mga proyekto, sa bidding pa lang umabot na ng tatlong taon. Importante talaga na tututukan ng pangulo. Iba ang tawag ng pangulo sa mayor, “Mayor, yung right of way dyan problema.” Para mas mabilis. Pero gusto ko rin sabihin, isa rin ang pwede nating bigyan insentibo yung mga driver. Pag tama yung ginagawa nila, dapat may reward sila.
[Applause/Crowd Cheering]
Karen Davila: Secretary Mar Roxas.
Sec. Mar Roxas: Nais ko lang tukuyin yung sinabi ni Vice President Binay na hihiwalayin nya or hahatiin nya yung DOTC. In fact, sa isang malawakang pag-aaral, isang dahilan kung bakit ma-trapik sa Metro Manila ay dahil hiniwalay yung DOTC, yung transport, doon sa DPWH kaya hindi magkatugma ang mga plano. Yung mga kalye, yung mga riles, yung mga underground, hindi magkakatugma. Ako, ibabalik ko yung transport at yung DPWH, yung gumagawa ng kalye at yung gumagawa ng tren, dapa sa isang pamunuan, para coherent ang mga plano.
[Applause/Crowd Cheering]
Karen Davila: Vice President Binay, it’s your turn and 30 seconds to react.
VP Jejomar Binay: Idadagdag ko lang po. Sana ho yung sa riles ng tren maiayos na po natin. Tiga-Makati po ako, eh. Alam mo yung riles ng train? Tumitigil pa yun sa Makati. Dapat ho eh, nagkakasalubungan na. Dahil sa alam niyo ba ang isang riles ng train, katumbas po yan ng apat na kalye. So, kailangan ho tayong magkaroon ng efficient mass transit.
Karen Davila: All right. Maraming salamat po sa inyo. Dalawa pang nagbabagang issue, haharapin ng ating mga kandidato sa pagbabalik po ng PiliPinas 2016: Presidential Town Hall Debate.
[COMMERCIAL BREAK]
3rd ISSUE: PERMANENTENG TRABAHO
Karen Davila: Tuloy po tayo sa PiliPinas 2016 Presidential Townhall Debate. At mainit na harapan, live po yan dito sa Dagupan, Pangasinan. Diretso na po tayo sa issue #3, permanenteng trabaho. Yan ang inaasahan po ng bawat Pilipino. Trabahong bumubuhay po sa kanilang pamilya. Pero paano na lang po kung ang trabaho eh pang-ilang buwan lamang at wala pong kasiguruhan? Ano ang maaaring gawin ng isang ama na tulad po ni Carlos?
[Video playing]
Carlos: Noong 2013 po, nag-apply po ako, bale 5 months lang po ako dun; 2014 naman po, mall, tinanggap po ako, bagger, 5 months lang din po. Sa mall pa rin po, promoter naman po ako, 5 lang po ulit, then yung last po, waiter. Pinapakinabangan lang kayo ng limang buwan tapos pag di na kayo kailangan, itatapon na kayo. Maghahanap ka na naman ulit ng bagong trabaho. ‘Di naman automatic na matatanggap ka kaagad. Kapag malapit ka nang mag-ENDO, parang ang hirap makatulog, kasi iisipin mo yung – unang-una, yung pamilya mo. Ano papakain mo sa kanila? Sa lahat po ng naging trabaho ko, ginagawa ko naman po ang lahat, lahat ng best ko pero sana, continuous na lang po ang lahat ng trabaho.
Karen Davila: Napakalungkot ko ng…po ng problema ni Carlos. Alam niyo po, nakaabot po siya ng third year college. Ang kurso po niya Electrical Engineering. Problema po ito ng maraming Pilipino pero hanggang ngayon, wala pa rin siyang permanenteng trabaho. Carlos, ano ang tanong mo?
Carlos: Sa mga tumatakbong presidente po ngayon, ngayong 2016, paano niyo po matatanggal sa Pilipinas ang contractualization? Then, at kung kayo naman po yong malagay sa katayuan ko ngayon, na walang permanenteng trabaho, paano niyo po mabubuhay ang inyong pamilya kung kayo po ay walang permanenteng trabaho, kung ‘yung contractualization dito sa Pilipinas ay hindi matatanggal?
Karen Davila: Maraming salamat. Si Carlos ay biktima ng tinatawag po na “ENDO,” ang “555.” Mayor Duterte?
Mayor Rodrigo Duterte: Yes, ma’am. The moment I assume the presidency, contractualization will stop. They have to stop it. Kasi ganito yan eh, we spend so much money of government and people, ang mga bata, studying sa TESDA. Then they apply and they are accepted as electrician, carpenter. Ang problema ho, after six months because ang mga kumpanya, ayaw magbayad ng mga bonuses and even the 13th month pay, kani, pag-abot ng – kasi pagdating ng one year nyan, they have to be paid. Yung mga bonus lahat na. So to do away with it, tatanggalin nila before six months. That has to stop kasi sayang. At ang mga workers natin, cannot acquire the skills that they learned from TESDA because, electrician, maya-maya paalisin siya, maghahanap siya ng ibang carpenter. And even you go abroad, it says three years experience. Our people, the young people cannot ever, ever acquire the experience and the enterprise to really be an electrician kasi, doon sa ibang trabaho kargador, yung iba boy lang siya, yung iba konduktor or iba talagang walang trabaho. So that is an injustice committed against the people of the Republic of the Philippines. I will not allow that as President of this country.
[Applause/Crowd Cheering]
Karen Davila: Senator Grace Poe.
Sen. Grace Poe: Alam mo naintindihan ko ang problema mo. Hindi ko papayagin rin yan. Ang “ENDO” ay hindi makatarungan. Alam mo bakit? Sapagkat hindi mo napa-plano ang iyong kinabukasan kung alam mong bukas hindi ka nakakasigurado kung may trabaho ka pa. Kaya naiintindihan ko iyon. Pangalawa, ang mga tao ay hindi makina. Hindi sila basta-basta pinagtatrabaho tapos itatapon na lang kung hindi kailangan. Kailangan natin implementahin ang batas, so bawal talaga ang contractualization. Pero, eto ang masasabi ko. Meron isang nagtatrabaho sa isang factory, sabi niya, “Ma’am, bakit ganoon? Yung delata na aming pina-process, ang expiration ay limang taon, samantalang ang aking trabaho hanggang limang buwan lang? Mas mahalaga pa ba yong produkto namin kaysa sa aming mga tao?” Hindi makatarungan yan sa ating bansa. At bilang isang nanay na gumagawa ng budget para sa pamilya, ang hirap naman isipin na parang pagkatapos ng limang buwan walang trabaho ‘yong asawa ko? Kaya kakampi mo ako dito. Hindi ko papayagan ang “ENDO” dahil kailangan maging produktibo ang ating mga empleyado at magiging produktibo lamang sila kung alam nilang may malasakit ang kumpanya sa kanila at ang gobyerno ay pinoprotektahan sila.
[Applause/Crowd Cheering]
Karen Davila: Secretary Mar Roxas.
Sec. Mar Roxas: Ang tanong ay papano natin tatapusin ang “ENDO.” Makakaasa ka, sa loob ng tatlong buwan matapos nang pagkaupo ko bilang pangulo, matatapos ang “ENDO.” Bakit? Kinakailangan ng batas. Ang loophole ay nasa batas. Ang ating DOLE ay may mga memorandum circular na, may mga kautusan na ang DOLE. Pero ito hindi napapatupad dahil kulang, may butas sa batas. Kailangan batas ito. Kaya maghahain tayo sa Kongreso. Sasarhan natin itong mga loopholes na ito para magkaroon nga ng saysay itong mga kautusang ito. Pero mas mahalaga pa diyan, madaling tapusin ang “ENDO.” Mag – isasabatas lang natin iyan. Mas importante, papaano tayo lilikha ng mas maraming trabaho, delikadad at permanenteng trabaho dito sa ating bansa? Trabaho sa manufacturing, trabaho sa mga call centers, trabaho sa mga pagawaan. Ito ang ating plano: Pabababain natin ang singil ng kuryente dahil dadami ang supply, mas dadami ang mga pabrika na papasok dito. Dadagdagan natin ang insentiba sa mga eco-zones para dumami ang eco-zones, mas maraming mga pabrika na maglo-locate dito. At dadamihan din natin ang mga imprastraktura dito sa mga transport modes na ito para mas madali makapasok-labas ‘yung mga produkto ng mga pabrika dito. ‘Yan ang mga permanenteng trabaho na malilikha sa administrasyon ni Mar Roxas.
[Applause/Crowd Cheering]
Karen Davila: Vice President Binay.
VP Jejomar Binay: Alam mo kaibigan, bago ako napunta sa gobyerno, nag-abugado ako sa mga manggagawa. Hindi lang maliwanag sa akin yung problema mo kasi mayroong sinasabing “job only.” Job-only, bawal iyon sa simula’t simula. Ngayon, kung – ang naririnig ko sa’yo, engineer ka. Kung ikaw ay kinuha as an engineer at ‘yung trabahong ‘yun ay kasama doon sa korporasyon na pinasukan mo, bawal ‘yung ginawa sayo, ah. Kasi, hindi ka na dapat tanggalin pagdating ng limang buwan. Kasi pagpasok na pagpasok mo pa lamang, permanente ka na. Sana naghabla ka. Hindi ko nga – sabi ko nga, hindi ko alam kung paano ang pagkakapasok mo bilang empleyado nang tatlong beses. Pero ganoon pa man, yang “ENDO,” eh bawal nga yan eh. Ang masama nga lang, hindi ipinatutupad. Ito yung “ENDO” ha, job-only. Dalawa kasing klase ‘yan anak eh, merong – yung job-only at saka nagdadaan sa independent contractor. Hindi ko malaman kung nagdaan ka sa independent contractor. Kasi po ‘yung independent contractor, yun ay kumukuha yun ng halimbawa, waiter at ng kung anong trabaho. Eh ang employee-employer relationship nun eh doon sa independent contractor. Pero sa lahat ng pagkakataon, ang manggagawa ay dapat protektado na matanggap lahat ng biyayang sinasaad ng ating batas.
[Applause/Crowd Cheering]
Karen Davila: Senator Miriam Santiago.
Sen. Miriam Defensor-Santiago: Ang pagtatanong ay… [Crowd cheering] …Ang pagtatanong ay, “paano mo ako bibigyan ng trabaho at mga kamukha ko?” Ang pagsasagot ganito, una, maggagawa tayo ng maraming infrastructure; roads, bridges, seaports, airports, urban transit systems. ‘Pag binuksan natin ‘yung mga proyekto na ‘yun, milyon na trabaho ang mabubukas. Pangalawa, sa manufacturing, tulungan ng gobyerno ang mga may-ari ng mga pabrika para mag-unlad sila at makabukas ng mga bakante para sa mga aplikante. Pangatlo, sa agrikultura, I’ve already said this before, but I repeat, government must pay attention to, number one, infrastructure, farm-to-market roads, irrigation, water impounding facilities, post-harvest facilities, and so on. Kung gumawa ka ng trabaho, gagawa – lalapit ang tao sa iyo. Hindi na sa kamukha ngayon, milyun-milyon ang ating graduates, wala silang pupuntahan kasi wala namang binubuksan na mga pinto ang ating gobyerno. Kaya ganoon ang dapat nating gawin para ang mga milyon na graduates, ma-absorb kaagad.
[Applause/Crowd Cheering]
Karen Davila: Thirty seconds for our second round. Mayor Duterte sabi niyo, “you will stop it.”
Mayor Rodrigo Duterte: Yes. I said, “immediately.” What I will do is I will call the Speaker and the Senate President after their elections and everybody, may constitution na doon, internal. Then I will call all, mostly, the majority, mga Liberal Congressman, you pass this bill immediately. “Senate,” sabihin ko, “I need it first week of my administration.” Ganoon lang. Gawin ninyo. [Applause] That’s the president ordering everybody.
Karen Davila: Senator Grace Poe.
Sen. Grace Poe: Alam mo bigyan natin ng insentibo ang mga may-ari ng negosyo. Natatakot sila kasi pag mawalan ng endo, baka bumaba ang kanilang kita. Itong sasabihin ko, mapasa natin na mawala na ang contractualization. Sisiguraduhin ko na bababa ang corporate income tax para at least may kikitain kayo. Importante bigyan din natin ng suporta ang magtatayo ng negosyo sa ating bansa. Pero ang prayoridad natin ang pinakamahihirap nating kababayan. So bawian lang. Alagaan niyo sila. Hindi ka na namin iipitin.
[Applause/Crowd Cheering]
Karen Davila: Pero kaya niyo bang lahat na banggain ang mga malalaking department store, malalaking mall? Thirty seconds Secretary Roxas.
Sec. Mar Roxas: Alam mo, Karen, sa kasaysayan ko, binangga ko mga malalaking interes. Pharmaceutical industry, cheaper medicine law, banking industry at insurance industry, yung pre-need law natin. So sa aking karanasan, binabangga ko ang mga malalaking interes kung ito ay para sa kapakanan ng ordinaryong Pilipino. Wala akong problema doon.
[Applause/Crowd Cheering]
Karen Davila: Vice President Binay.
VP Jejomar Binay: Alam mo, brad, habang ikaw ay walang trabaho, eh magagamit ba naman ‘yung savings mo. Kasi ako hindi ko lang bababaan ah, tatanggalin ko ang income tax, ha. [Crowd cheering] So, kumbaga ang suweldo mo eh sampung libo, o, kahit na papano eh wala ka ng babayarang income tax. ‘Yun ang magagamit mo habang ikaw ay naghahanap ng panibagong trabaho.
[Applause/Crowd Cheering]
Karen Davila: Senator Miriam Santiago muna then, Secretary Mar.
Sen. Miriam Defensor-Santiago: Thank you. Will you repeat the question, please?
Karen Davila: It’s the next 30 seconds, ma’am. You can react, you can challenge any of your opponents right now.
Sen. Miriam Defensor-Santiago: Alright. Not react or challenge any of my opponents, but to put on record what I forgot to say earlier that I am vehemently against contractualization. Not only is it illegal, but possibly unconstitutional. It waylays the security of tenure of an employee and places him under the power of an employer who needs only to threaten to replace him with a union member. I am also in favor of lowering both the income and the corporate taxes.
[Applause/Crowd Cheering]
Karen Davila: Alright nagtaas ng kamay si Secretary Roxas.
Sec. Mar Roxas: Alam mo, Karen, hindi ko maatim na pinag-uusapan ang pagbaba ng buwis. Eh si – wala namang buwis na binabayad na si Carlo eh, dahil minimum wage earner siya. At wala siyang buwis na binabayad dahil sa batas na isinabatas ko nung pinadala ninyo ako sa Senado. Up to Php100,000 of exemptions ang tax-free, the first Php100,000 of income ay tax-free dahil doon sa batas na isinabatas natin. Ang aking mga katunggali, nagpa-plano pa lamang. Pinapangako pa lang, tayo, nagawa na natin.
[Applause/Crowd Cheering]
Karen Davila: Sino po sa inyo nais mag-react kahit po sino, bukas.
VP Jejomar Binay: Hindi naman ho ibig sabihin eh, ‘yung suswelduhin tatanggapin na ho ng manggagawa eh, aabutin ng hanggang Php100,000 lang. Merong mga manggagawa diyan, mahigit na Php100,000 eh. Ang pinag-uusapan natin eh yung pagkakapasok ha. Kasi yung suweldo, eh depende yan doon sa trabahong ibibigay.
[Applause/Crowd Cheering]
Karen Davila: Alright. Maraming salamat po sa inyo.
FOURTH ISSUE: PLIGHT OF OFW
Tony. Velasquez: Salamat, Karen. Bagong bayani, lumang problema. Higit sampung milyong Pilipino ang nakikipagsapalaran sa ibang bansa, nangungulila, nagsasakripisyo para mabigyan ng magandang buhay ang kanilang mga pamilya. At sabi nga ni Nanay Cristy, darating pa kaya ang panahon na makakauwi silang mga OFW at hindi na kailangang umalis pa muli. Panoorin natin ‘to.
[Video Playing]
Nanay Cristy: As an OFW po, sobrang hirap. ‘Pag may mga okasyon na dumadaan, wala ka doon. At saka, katulad ko na naka-dalawang operasyon na dito sa Dubai, sobrang hirap kasi hinahanap ko na may mag-aalaga sa akin. Naka diagnose po ako ng over-active thyroid. Wala po akong health insurance kaya nagkaroon po ako ng maraming utang. Yung bahay po namin na-ilit. Gustung-gusto ko na pong maalagaan ang bunso ko, kaya lang po, sa dami pa pong ng binabayaran ko, hindi ko po alam kung kailan pa ako aabot hanggang dito. Ako po si gustung-gusto ko na pong umuwi sa atin. Pagod na po akong makipagsapalaran dito sa Dubai, pero pag uwi ko pa ba, may trabaho ako? At anu-ano ang mga gagawin nyong tulong sa aming mga OFW?
Tony Velasquez: Wala po akong katabi dito ngayon. Pero ang ilang po sa ating mga kababayan na nasa Dubai ay kasama natin ngayon. Naghihintay po sila na marinig po ang inyong sagot. Sila po ay nanonood via Skype. Unahin po natin ang sagot ni Senator Poe.
Sen. Grace Poe: Talagang bagong bayani ang ating mga kababayan na OFW at ako’y taos-puso nagpapasalamat sa kanila sapagkat talagang sinalba ninyo ang ating bayan at ekonomiya nang ilang dekada. Mga kababayan, ito ang pwede kong gawin para sa inyo. Magkakaroon tayo ng portable Philhealth Card na pwede ninyong gamitin saan man sa mundo. Bakit? Dahil ang binibigay ninyong buwis sa ating bayan o kita sa ating bayan ay $26 billion. Sa VAT pa lang nun, P150 billion na, na puwede nating gamitin sa inyo. Magkakaroon ng 24-hour hotline para sa ating mga kababayan na may problema dun. Makikipag-usap kami, bilateral talks, sa ibang bansa para maprotektahan kayo kasama ng Saudi Arabia na ayaw natin ang Kafala System nila, na hindi nakakatulong sa inyo. Mga kababayan, ang akin – pero ang aking gusto talagang gawin ay ihanda ang ating ekonomiya para kung gusto ninyong umuwi ay may trabaho kayo. Marami tayong mga teachers na nagtatrabaho bilang katulong sa ibang bansa, pero may mga ilang – may mga alam na kayong lengguwahe na ‘pag dumating kayo dito kailangan namin kayo dahil kulang ang mga teachers dito. Lalago ang ating ekonomiya para hindi na ninyo kailangan umalis, at kung umalis man kayo ay dahil ito’y sa kagustuhan ninyo. Maraming nililikha na problema dahil nawawalay sa pamilya. Bilang isang nanay, bilang isang babae, gusto ko magsama-sama na tayo. At maraming salamat.
[Applause/Crowd Cheering]
Tony Velasquez: Secretary Roxas.
Sec. Mar Roxas: Salamat. Alam niyo, ikukuwento ko pa sa inyo ang isang tulad ninyo, Christine Reyes, OFW sa Middle East din. Minaltrato sya nung kanyang employer, nakabalik dito, nakakuha ng tulong at training mula sa OWWA. At sa ganung paraan, nakapagsimula siya ng pagtrabaho. Magmula noon, inipon niya yung kanyang pera at ngayon, may may-ari na ng Spa. Taga-Pangasinan siya, Christine Reyes. Apat ang kanyang spa dito at nag-e-expand pa. Ito ang halimbawa na nais natin mangyari para sa lahat ng ating mga OFW. At mangyayari lamang ito kung malago ang ating ekonomiya. At lumalago naman talaga ang ating ekonomiya. We have the lowest unemployment rate in the last 10 years, presently. Maraming mga trabaho na naliklikha dito. At alam ko, kung nais makauwi ng ating mga OFW ay makakauwi sila. In fact, more than 600,000 ang bawas ng mga bilang ng mga OFW na nag-a-apply para sa pagbalik sa abroad. Ibig sabihin nakakapaghanapbuhay sila dito. Ang importante ay ang paglago ng ating ekonomiya. Importante po ’yon para may mauuwian kayo rito. Nais namin na makauwi kayo rito para kasama ninyo ang inyong pamilya, hindi kayo mawalay sa kanila, at hindi magiging mahirap ang inyong pamumuhay. Importante na mabuo natin ang pamilya. ’Yan ang sentro ng ating lipunan, ’yan ang lakas ng Pilipino, ang Pilipinong pamilya.
[Applause/Crowd Cheering]
Tony Velasquez: Vice President Binay.
VP Jejomar Binay: Mga bagong bayaning OFW, alam po ninyo, sa aking pamumuno magkakaroon po ng pension plan para sa OFW. Aalisin po natin ‘yung pag-membership fee sa OWWA. Gobyerno na ho ang sasagot sa lahat at lahat ng pamamaraang tinutulong ng OWWA. Magkakaroon po tayo ng road map para malaman ho ninyo dun sa umpisa ninyong pagtratrabaho bilang OFW, eh, ano ho ang mararating niyo hanggang sa kayo ay tumigil ng pagiging OFW. At sana ho eh – ah sa aking pamumuno, eh, patitikim ko ho sa inyo. Narinig ko, tila ho yata kayong nasa screen, nakita ko kayo doon sa ako’y bumibisita sa inyo sa mga shelter houses. ’Yun hong legal assistance, meron na hong inilaan na 100 milyong tulong, legal assistance, eh, hindi ho ina-approve, hindi ho inilalabas ng gobyernong ito. And finally, sana po kayo, kayong mga OFW, hindi na ho kayo aalis because of necessity, kapit-patalim, kundi ho ito is a matter of choice. Ayan po ang mangyayari. ’Yan ho ang itutulong ko sa inyo. Ito ho ay batay sa karanasan na tayo po ay nagsama-sama. Mga problemang narinig ko ho sa inyo, eh, atin hong haharapin.
[Applause/Crowd Cheering]
Tony Velasquez: Senator Miriam.
Sen. Miriam Defensor-Santiago: The best way we can help OFWs is not to make it a necessity for them to leave. Pwede sila – it could be an option, but it should not be a necessity. That’s why we have to build up our own strong economy. Why we are in this present status? A legal assistance, one, is very important for the OFWs. This should be necessary that they should have a hotline to the DOLE or the OWWA so that they can ask for help. And our Consuls General should have special training in helping these people when they are in trouble, which is their duty in the first place. To the OFWs, your best chance of a job when you come back to the Philippines is if ASEAN Economic Community begins. All the 10 ASEAN member countries will be members of an economic community. And in that way, many jobs will open for us in our kapit-bansa in ASEAN. So, that will be their biggest opportunity when the ASEAN Economic Community opens. When we become competitive that way, we become competitive with the rest of the world. And we do not – we’ll no longer have to pay special attention to OFWs because it is a choice, not a necessity.
[Applause/Crowd Cheering]
Tony Velasquez: Mayor Duterte?
Mayor Rodrigo Duterte: It is almost an everyday spectacle to read the newspapers about the abuses of our brothers and sisters abroad working as OFW. I propose to create one government only to take care of the OFW. Lahat ng kailangan, permit, ano, diyan na nila kukunin sa administrasyon na yan, sa – it’s going to be a department to take care of them. Second, is I will create a bank para ang remittances, nila hindi na sila magpunta doon sa mga dicer. They can go to the bank and we will have a bank in every place where they are. And third, make it mandatory for the Consul General or Consul to keep track of the Filipinos abroad. And at the first sign of abuse, and if they want to go home, libre na ’yan. We will fund it. And if they get sick, I will pay the hospital. Wala nang ano – sa Pilipino, we will have the credit line in all of the hospitals. ’Yung nabugbog, they want to come home immediately, bigyan sila ng ticket. Mandatory lahat ’yan. Kung sinong gustong umuwi, he wants the contract suspended, then, she will have the legal aid. At ang importante sa lahat, everybody is looking after the welfare of the Filipinos. That is the mandatory duty of the Consular services.
Tony Velasquez: Salamat po. Iikot po tayong muli sa ating mga kandidato. Thirty seconds po muli para po sa kanila na magdagdag sa kanilang kasagutan. Senator Poe.
Sen. Grace Poe: Kailangan hindi – kasama rin ang mga OFW, ’yung mga seaman natin. Marami po sa kanila kailangang magpa-renew halos taun-taon ang kanilang Seaman’s Book. Kailangan mabilis, kailangan ng isang departamento na inaalagaan ang pangangailangan nila pati healthcare ng kanilang mga pamilya na naiiwan dito. Ang terminal fees, dapat wala na ’yong mga OFW natin. Pero kailangan pa nilang irefund na pinabibigyan pa natin sila ng problema. Dapat red carpet treatment. Huwag pakialaman ang balikbayan box at ’wag tamnan ng bala ang kanilang bagahe.
[Applause/Crowd Cheering]
Tony Velasquez: Secretary Roxas.
Sec Mar Roxas: Maraming mga lutas sa problema ng OFW ang nakukuha sa common sense. Halimbawa, sa iba’t ibang bansa ang ating mga embahada at labor attache sarado ’pag weekend kung kailan libre at may oras ang ating mga OFW. Papaano sila pupunta at hihingi ng tulong sa ating mga representatives kung sarado ang mga tanggapan? Isa iyan sa mga kilos na gagawin natin, bukas ang ating mga tanggapan para kung kalian nangangailangan ang gating mga OFW, may mapupuntahan sila.
[Applause/Crowd Cheering]
Tony Velasquez: Vice President Binay.
VP Jejomar Binay: Ipagpapatuloy ko po, mga OFW, lalo na diyan ho sa Middle East na sundan sana ’yung iniutos o pinakikiusap ng inter—ng ILO. At ito ho ay ginawa na ho ng Saudi Arabia. Lahat po ng mga nagtratrabaho sa Saudi Arabia, pinayagan na pong magkaroon ng sariling passport, hahawakan nila ang passport, nakaka- mayroon na silang mga weekend na bakasyon. ’Yun ho ang aking pipiliting mangyari sana sa kabuuan ng Middle East para sa OFW.
Tony Velasquez: Senator Defensor?
Sen. Miriam Defensor-Santiago: Gusto ko lang idagdag na pinag-uusapan natin kung anong tulong natin sa OFW pag nandudoon siya sa ibayong bansa. Pero dito pa lang sa ating bansa, ine-exploit na ang OFW because of the recruitment fees that can either be fake or phony, and because there can be a demand for papers which are not really necessary, just to strengthen the bureaucratic red tape around the neck of the OFWs. Kaya lahat iyon, mga illegal recruiters –
Tony Velasquez: Mayor Duterte.
Mayor Rodrigo Duterte: They should be given a shopping list by the DOLE or whatever of a – or sa opisina, OFW. If they have complied it, wala na silang idagdag at walang kunan ha, para hindi na pabalik-balik. That is the agony, ang kalbaryo ng ating mga Pilipino, including the seamen. Kung anong hinihingiin, eh, kinokurakot kasi. And that’s a problem. They even complain about corruption in government. That’s why government stop sa corruption.
Tony Velasquez: Maraming salamat po. Harapan kandidato sa kandidato. Sila-sila na ang magtutuos sa pagbabalik ng PiliPinas 2016 Presidential Town Hall Debate.
[COMMERCIAL BREAK]
FACEOFF ROUND – PARES-PARES
Karen Davila: Sa puntong ito, paghaharapin natin ang mga kandidato sa pagka-pangulo. Sila-sila mismo ay magtatanungan sa isa’t-isa. Nauna na pong nagbunutan ang mga kandidato para sa kanilang makakaharap sa faceoff round na ito.
Tony Velasquez: Ang bawat kandidato ay may 15, 1-5, seconds para magtanong. At may isang minuto naman para sumagot ang kapwa kandidato. Puwede po ang follow-up question, 15 seconds din po para ’yun. At isang minuto na naman para sumagot.
Karen Davila: Ang una pong pares ngayong gabi, SecIretary Roxas, magtatanong kay Vice President Binay.
[Applause/Crowd Cheering]
VP Jejomar Binay: Hello!
Karen Davila: Lumapit po kayo Vice President Binay, sa harap po.
[Applause/Crowd Cheering]
Karen Davila: Go ahead, sir.
Sec. Mar Roxas: Vice President Binay, panghuling debate na ito, national audience. Pagkakataon mo na po ito para ipaliwanag ang mga charges na hindi mo nasasagot sa Senado. Kung papano ang isang kama na Php34,000 ay naging Php545,000. Kung papano ang isang building na Php200 million ay naging P2.3 billion. Ito na po ang pagkakataon ninyo.
VP Jejomar Binay: Alam mo, Mr. Roxas, ikaw ay shoot na shoot sa sinasabi sa Tagalog e. Kung ayaw makinig, nagbibingi-bingihan. Kung ayaw tignan, nagbubulag-bulagan, ha. Ilang beses ko na sinagot yang mga pinagsasabi mo, wala ng bago dyan, wala ng bago. Alam mo, di ko sasayangin ang oras ko, eh meron pa akong 41 seconds. Magsasalita na lamang ako sa yung anong dahilan at tayo’y pinagharap-harap dito. Yung plataporma at yung pinaninindigan natin. Ako ho – hindi natin napagusapan ang Remodernized Agriculture. Aalisin ko ho ang irrigation fee, magkakaroon po tayo ng revisit nung insurance, magkakaroon po tayo ng new yielding crops, at tayo ho, eh gagawa po ng pamamaraan upang matuto ha, na pano matutulungan pa ang ating mga magsasaka at ang ating mangingisda dun ho sa pag – para lumaki ho ang kanilang hanap-buhay.
[Applause/Crowd Cheering]
Karen Davila: Secretary Mar, you can react. Fifteen seconds.
Sec. Mar Roxas: Vice President Binay, tiwala ang nasa sentro ng ating relasyon sa ating mga kababayan. Kaya binigyan kita ng pagkakataon na masagot mo itong mga katanungan na hanggang ngayon ay hindi pa nasasagot. Tiwala at tiwala din lang ang pinanghahawakan ng ating mga kababayan.
VP Jejomar Binay: Yung tiwala ho makikita mo pagka-panalo ko, talagang hindi nawalan ng tiwala ang ating mga kababayan. Hindi naman – hindi naman ikaw ha-hukuman para humatol na ako ay may kasalanan. O, ito eh malalaman natin kung talagang walang tiwala at napapaniwala nyo ng mga kung anu-anong mga bagay-bagay na walang batayan, ha. Mananalo ako sa darating na halalan. Pakikita ko sa inyo na hindi nawala ang tiwala ng tao sa akin.
[Applause/Crowd Cheering]
Karen Davila: May oras pa kayo pero kung tapos na kayo, Vice President. All right. Maraming salamat, Secretary Mar and VP.
Tony Velasquez: At ang susunod na po natin na tatawagin – ang susunod po naman na magtatanong si Senador Grace Poe. Madame Senator, pumunta po kayo sa harap. Ang inyo pong tatanungin ay si Mayor Duterte. [Crowd cheering] Fifteen seconds po.
Sen. Grace Poe: Mayor, pasensiya ka na. Magkaibigan tayo pero kailangan ko tanungin ito para sa mga babae. Meron po kayong interview sa magazine na sinabi niyo that women are the weaker sex. At alam na natin yung bago mong pronouncement na sinasabi dapat nauna ang Mayor, at noong iisang nagreklamo ng rape sabi mo drama queen. Ano po ang kahihinatnan ng babae sa inyong administration?
Mayor Rodrigo Duterte: Well, in Davao City, ma’am, we are the first city to come up with the Women’s Code. Davao City is the only city with a police department na walang vice squad. I have disbanded it because they used to arrest commercial sex workers. The only person who can arrest them would really be the city health, tapos to order the police. Sa Davao ho, ang mga Mutya ng Dabaw at Kadayawan Queen, we do not allow swimsuits. It’s only short and beach wear. That is how important a woman is or are in Davao. Meron kami niyan. Women’s Code the first. Pinagbawal naming yang swimsuit, walang naka-bikini-bikini diyan. And even bawal ang police maghuli, at ang mga babae doon hindi natatakot kung saan-saan sila mamasyal in Davao City.
Tony Velasquez: Follow up question.
Sen. Grace Poe: Opo. Mayor, naintindihan ko po yung mga programa ninyo. Pero sa tingin niyo ba na porket na merong isang women’s desk ay puwede na yung ganung pananalita? At tsaka pangalawa po, Mayor, kasi marami talagang na-attrack sa inyo, sinabi ko na po yun, kaya mas madali sa inyong hawakan sila kahit sa publiko parang hindi naman po yata maganda.
Mayor Rodrigo Duterte: That is what I am. You are you. I am I. So yun ang identity ko dito sa mundong to. But really, really, yung babae na-rape na Australian sa Davao, pinatay ko lahat yung 16. Nagmura ako. Then I narrated it in a different situation but it was – anyway. It is all true. Nothing is mal – that there was no malice in that. It’s just a narration. That ito ang nangyari kasi ang rinig ko one of these guys, kumukuha nung original tape sa galit ko and they were about to – Binibili na nga nila ng Php1 million eh. Inunahan ko na because kung maglabas yan ngayon at this hour, very late day, I would have a hard time coping with it. Kaya nilabas ko na at yung galit ng babae. But there was really no malice there. It was a pure narration of the truth.
Tony Velasquez: Maraming salamat, Senator Grace.
Sen Grace Poe: I will – I will take your word, Mayor. But perhaps should you become President, perhaps women will appreciate more respect even a little restraint. I know that you are you and I am I. But we take the big responsibilities.
Mayor Rodrigo Duterte: I will be –
[Applause/Crowd Cheering]
Tony Velasquez: Thank you very much. Senator Grace. Maaari na po kayong bumalik muna sa inyong podium dahil si Mayor Duterte po ay mananatili po sa podium niya. Karen, sinong susunod na magtatanong?
Karen Davila: Yes. Thank you, Senator Grace Poe. Ang susunod si Mayor Duterte, kayo naman magtatanong kay Senator Santiago.
[Applause/Crowd Cheering]
Mayor Rodrigo Duterte: Ma’am Miriam, what can I ask of you? I am facing a woman worthy to become the President of the Republic of the Philippines. [Crowd cheering] It is even an insult to the intellect of everybody to be asking a learned and experienced human being in this planet.
[Applause/Crowd Cheering]
Karen Davila: So, may tanong po ba kayo, Mayor?
Mayor Rodrigo Duterte: Ang tanong ko, Ma’am, how are you today?
[Laughter] [Crowd cheering]
Sen. Miriam Defensor-Santiago: I’m almost back to normal good health because I’m on a secret pill that is not yet available in the market but is being sold at very atrocious – atrociously expensive prices. And it’s a miracle worker in the sense that I’m almost normal now.
Mayor Rodrigo Duterte: Oh, come on. You will live for a thousand years.
Sen Miriam Defensor-Santiago: [Laughs]
Mayor Rodrigo Duterte: No doubt about it. I rest my case, Madam moderator.
Karen Davila: All right. Since wala kayong tanong – pero ma’am may oras po kayo. May isang minuto po kayo. Would you like to use it?
Mayor Rodrigo Duterte: What for?
Sen. Miriam Defensor-Santiago: To answer a question?
Karen Davila: You have a minute to speak if you wish to use it, ma’am.
Sen Miriam Defensor-Santiago: I have been the subject of much black propaganda concerning my health. I have never been false to the Filipino people. The moment I was diagnosed, I immediately called for a press conference and announced the status of my health. But, after consulting with my sister who is a doctor in the United States, I learned that there’s now a cancer revolution. There is a new cancer anti-drug almost every week. The only drawback is that they are too expensive. So, that’s why I have already returned to normal.
[Crowd cheering]
Karen Davila: On that note, maraming salamat, Senator Miriam Santiago. Diyan lang po kayo, Senator Miriam. Mayor Duterte, thank you.
Tony Velasquez: Okay, Mayor Duterte. All right. Ngayon, mananatili po si Senator Santiago dahil po siya ang sunod naman na magtatanong. Ang kanya pong tatanungin ay si Secretary Roxas. Senator Miriam, meron po kayong 15 seconds para magtanong.
Sen. Miriam Defensor-Santiago: I believe that there are three requirements for a good president of the Philippines. Number one, academic excellence; number two, professional excellence and number three, moral excellence. Can you give me at least three examples of each kind of excellence that you have?
[Applause/Crowd Cheering]
Sec. Mar Roxas: Thank you very much for your question.
Karen Davila: You have one minute Secretary. Can you speak louder?
Sec. Mar Roxas: My academic record is quite clear. I did graduate from the Wharton School of Business. The best – one of the best business schools in the entire United States and I have accomplished that. My diploma is up on the wall for anyone who wants – wishes to see. With respect to professional excellence, I’ve had – we have worked together in the Senate. We have defended treaties, the JPEPA being one of them. I have been both an interpellator to yourself as well as you have interpellated me. And I think you would be the best judge as to my capability in understanding the issues particularly complex as they may be. And lastly, moral integrity. I think that my record, 23 years in public life, not once having been connected to any kind of anomaly speaks for itself. Walang mantsa, walang bahid na paninilbihan sa mahigit dalawampung taon na pagsisilbi. The most important word that a public servant has, is to say, “No”. No to temptation, no to offers, and no to even the seeming inappropriateness of certain acts.
Tony Velasquez: Follow up question from Senator Miriam, 15 seconds.
Sen. Miriam Defensor-Santiago: In all these years, have you – you have been shaped by the elitist background from which you come and which you operate. Do you not think that the path has been too narrow to be able to be President of the Philippines?
Sec. Mar Roxas: As Batman said, “It is not important how you came into this world, what is important is what you did with your life.” And my life over the last 20 years has been a public record. You have been witness to many elements of my life as we worked together in the Senate, fighting for cheaper medicines, fighting the banks and the – and the insurance companies for pre-needs protection for our people, fighting for economic opportunity through the JPEPA and other economic treaties, fighting for what is good and what is right. My record stands for itself. It is not a question of how I came into this world, it is what I did with my life and how I dedicated my life to help my countrymen.
[Applause/Crowd Cheering]
Tony Velasquez: Maraming salamat po kay Secretary Roxas kay Senator Miriam Santiago.
[Applause/Crowd Cheering]
Karen Davila: Ang huling pares natin, si Vice President Binay magtatanong kay Senator Grace Poe.
VP Jejomar Binay: Senator Poe, di ba ho sa America pwede ho kayo magtrabaho kahit na hindi ho kayo mamamayan?
Sen. Grace Poe: Ano po?
VP Jejomar Binay: Hindi ho kailangan itakwil niyo, ikahiya ninyo na ikaw ay mamamayan ng Pilipinas. Makakapagtrabaho ka rin kahit na hindi ka mamamayan, di ba?
Tony Velasquez: Ano po ang katanungan?
VP Jejomar Binay: Di ba?
Sen. Grace Poe: Totoo po. Ano po yung tanong niyo? Yun na po?
VP Jejomar Binay: Yun na ho yung tanong ko.
Sen. Grace Poe: Totoo po. Pero nung mga pagkakataon na iyon, iniisip ko rin, sa totoo, kasama ko ang aking pamilya at hindi po sa kakulangan ng pagmamahal sa bansa, kungdi dahil parang iniisip ko hindi ako mawawalay sa kanila. Marami namang ganung sitwasyon, bumabalik rin naman dito. Hindi naman po nababawasan ang pagmamahal sa bayan.
Karen Davila: Vice President, follow up. You have 15 seconds. Please go.
VP Jejomar Binay: Hindi ho. Dahil sa sinumpaan ho ninyo tinatakwil ho ninyo eh. Kinakahiya ninyo ang pagka-Pilipino ninyo para kayo ho eh maging mamamayan ng Amerika. Eh, pwede naman ho kayong magtrabaho doon kahit na hindi ka American citizen. Di po ba?
Sen. Grace Poe: Alam niyo po, okay, meron po tayong batas na kinikilala. Ang mga kababayan natin na umalis nagkaroon ng citizenship sa iba pero dual dito dahil nagmamahal pa rin sa ating bansa at may kontribusyon. Sa ating mga kababayan, wala naman akong ibang intensyon kundi mabuhay ng marangal kasama ng aking pamilya, pamilyang Pilipino saan man sa mundo. Hindi po nawawala. Sabi ko nga, pwede mong alisin ang Pilipino sa Pilipinas, pero hindi mo maalis ang ang Pilipinas sa puso ng Pilipino. Basta Mayor – ay sorry po, basta po Vice, patuloy ang pagmamahal ko sa bansa. Pati yung ating nais mangyari – Totoo natira ako sa ibang bansa. Nakita ko kung anong pwedeng gawin para sa atin dito. Mas malawak na ang aking pananaw. Hindi po ako nagkaroon ng mga pribilehiyo doon na kung nanatili ako dito siguro hindi ko matututunan.
[Applause]
Karen Davila: All right. Maraming salamat po. Para po sa ating pares-pares, halo-halo naman. Mabilisang sagot sa halu-halong mga tanong. Yan ang fast talk. Diyan lamang po kayo. Magbabalik agad ang PiliPinas 2016 Presidential Town Hall Debate.
[COMMERCIAL BREAK]
FAST TALK SEGMENT
Karen Davila: Tuloy po ang Presidential Town Hall Debate. Ang susunod po nating segment ngayon ay tinagurian o tinawag po nating Fast Talk. Sa mga kandidato, may dalawang minuto po kayo. Marami po kami ni Tony na itatanong. Masasagot nyo ito sa yes or no. O kung nais nyong magpaliwanag, isang linya lamang po. Mabilis lang ang segment na ito. Kung gusto nyo magpaliwanag sa susunod na segment, mamaya may limang minuto po kayo. Mauuna po tayo ngayon kay Vice President Binay. This is Fast Talk.
VP Jejomar Binay: Talagang favorite mo ako sa number 1 ano? Kapuna-puna pa naman naka-blue ka ngayon.
Karen Davila: Dark blue po sya.
VP Jejomar Binay: Pero blue pa rin.
Karen Davila: Fast Talk Sir. Ang unang tanong, let’s start. Timer starts now. Ipapakulong mo ba si Mayor Duterte sakaling maging pangulo ka? Yes or no?
VP Jejomar Binay: Ako po ay – gusto kong makilala…
Karen Davila: Yes or no first.
VP Jejomar Binay: Huh? Ako mismo, wala ho akong pakialam dyan.
Karen Davila: Yes or no?
VP Jejomar Binay: Huh?
Karen Davila: Okay.
VP Jejomar Binay: Hindi, hindi naman ako magpapakulong eh.
Karen Davila: Ipagpapatuloy mo ba ang pagbawi sa mga yaman ng Marcos sakaling maging pangulo ka? Yes or no?
VP Jejomar Binay: Yes, kung may natitira pa.
Karen Davila: Saan na po ba napunta?
VP Jejomar Binay: Aba eh hahanapin natin.
Karen Davila: Ipai-impeach mo ba si Ombudsman Conchita Carpio-Morales sakaling maging pangulo ka? Yes or no?
VP Jejomar Binay: No, kasi gusto kong makilala akong a healing and unifying president.
Karen Davila: Bubuwagin mo ba ang mga private armed groups? Yes or no?
VP Jejomar Binay: Yes, of course.
Karen Davila: Kung ganun bakit nyo po ka-alyado si Sajid Ampatuan na isa sa mga suspect sa Maguindanao Massacre na inindorso pa kayo at tumayo kayo sa entablado?
VP Jejomar Binay: Mga kababayan, nakakalungkot ho ang reaction ninyo. Alam po ninyo yung Ampatuan na itinaas ko ang kamay. Wala po doon sa pagkakataon nung pangyayaring sya ho ay nahabla.
Karen Davila: Pabor ka bang i-house arrest na lang si dating Pangulong Arroyo? Yes or no?
VP Jejomar Binay: Yes! Yes, yes, as a matter of fact – right to bail.
Karen Davila: Magbigay ka ng tatlong pangalan, sir, na pasok sa inyong gabinete. Quickly. Top of your head.
VP Jejomar Binay: Top of my head?
Karen Davila: Yes.
VP Jejomar Binay: O, eh nandiyan po si Gary Teves para sa Finance. Si Atty. Berberabe na ang ganda ng pagkakatrabaho sa Pag-ibig, Department of Education at si Peter Favila. Si Peter Favila at saka si Gary Teves, pareho hong mga nagsilbi sa Cabinet.
Karen Davila: All right. Papayag po ba kayo, sir, sa pagpasok ng mga bagong minahan sa Pilipinas?
VP Jejomar Binay: Depende ho sa klaseng papasok ha. Dito ho ay napapanahon na i-distinguish po natin ang responsible mining at saka yung irresponsible mining. Kung ang mag-a-apply po responsible mining, okay lang.
Karen Davila: All right. Two minutes are over. Tony?
Tony Velasquez: All right. Ang susunod naman na makakaharap natin sa ating Fast Talk, si Senator Miriam Defensor Santiago. May two minutes po kayo. Ako po ay magtatanong na ngayon. Unang tanong, natalo niyo na po ba ang cancer?
Sen. Miriam Defensor-Santiago: Hindi ko naman masabing natalo ko, pero nahinto ko. Kasi ang cancer, hindi mo makikita yan sa naked eye mo, sa mata mo. Kinakain niya ang mga katabi niya. Ngayon kung tama ang gamot, mahihinto yun sila at mamamatay. Namatay na sila.
[Applause/Crowd Cheering]
Tony Velasquez: Okay. Yun pong inyong sinasabi na magic pill na nirekomenda sa inyo ng inyong kapatid, irerekomenda niyo rin po ba sa BFAD na magkaroon ng clinical trials dito sa Pilipinas?
Sen. Miriam Defensor-Santiago: Oh yes, if it – if it passes the clinical – global clinical trial, definitely. I will even take steps to study whether government can subsidize this pill to those who cannot afford it.
Tony Velasquez: Okay. Meron po ba kayong pagkakataon na naisip niyong gumamit ng medical marijuana?
Sen. Miriam Defensor-Santiago: Never.
Tony Velasquez: Gagawin niyo po bang legal ang medical marijuana sa Pilipinas?
Sen. Miriam Defensor-Santiago: That is – that is a sliding – sliding slope. I’d have to say no, but I am open to convincing me that it can be effectively implemented only for those who are competent for it.
[Crowd cheering]
Tony Velasquez: Ano po ang magiging papel ng inyong mister sa inyong administrasyon?
Sen. Miriam Defensor-Santiago: Dapat nandiyan siya sa bahay paguwi ko.
Tony Velasquez: Payag po ba kayo na ipalibing na ang bangkay ni dating Pangulong Marcos sa Libingan Ng Mga Bayani?
Sen. Miriam Defensor-Santiago: Maganda siguro mag-referendum tayo. Kung anong sabi ng mayoriya, yung ang sundin natin. Tama na yung banggaan natin.
Tony Velasquez: Magaaproba pa ba kayo ng mga bagong kontrata sa mga minahan?
Sen. Miriam Defensor-Santiago: Hindi dahil sobra ng dami ng mga mining companies dito.
Tony Velasquez: Si dating pangulong Gloria Arroyo po ba ay palalayain niyo na sa hospital arrest at ilipat sa house arrest?
Sen. Miriam Defensor-Santiago: Oh yes, definitely.
Tony Velasquez: All right. Maraming salamat, Senator Miriam.
[Applause/Crowd Cheering]
Karen Davila: Ang susunod po nating Fast Talk. Mayor Duterte Fast Talk po ito.
Mayor Rodrigo Duterte: Yes, ma’am.
Karen Davila: Yes or no, kung paliwanag – sandali lang po. Magandang ehemplo ba kayo sa kabataan?
Mayor Rodrigo Duterte: Yes.
Karen Davila: Sa palagay –
Mayor Rodrigo Duterte: I restored public order in my city and everybody is safe.
Karen Davila: Anong posisyon sa Gabinete ang ibibigay niyo sa babae?
Mayor Rodrigo Duterte: Toursim pati – well, if she is really bright finance, any position.
Karen Davila: Name your top campaign contributor. Sino siya?
Mayor Rodrigo Duterte: Nasa bukid ma’am.
Karen Davila: Anong pangalan sir?
Mayor Rodrigo Duterte: Emilio Aguinaldo, I think.
Karen Davila: Sabi niyo po, “You cannot be a President if you cannot kill.” Papatay ba kayo kung kayo’y Pangulo?
Mayor Rodrigo Duterte: No, it’s not the actual – takot ka mamatay, takot kang pumatay, wag kang mag Presidente.
[Applause]
Karen Davila: Anong sitwasyon ang posibleng magudyok sa inyo para magdeklara ng Martial Law?
Mayor Rodrigo Duterte: Well, rebellion, lawless violence and the – well, rebellion and lawless violence.
Karen Davila: So posible ang Martial Law sa panunungkulan niyo?
Mayor Rodrigo Duterte: No, cannot be. Wala naman – hindi na ganun kalawak ang rebellion natin.
Karen Davila: Papayag ka bang mailibing sa Libingan Ng Mga Bayani si dating Pangulong Marcos?
Mayor Rodrigo Duterte: Yes, definitely yes because it has divided the country until now. Halos lahat ng Ilocano galit kung bakit ganun ang nangyari.
Karen Davila: Kaaway na ba…
Mayor Rodrigo Duterte: It’s time to heal.
Karen Davila: Kaaway na ba natin ang America kapag kayo’y naging Pangulo?
Mayor Rodrigo Duterte: Sila naman ang nag-aaway. [Laughter] I did not – It was a response to a question coming from media. It’s a concocted hypothetical question and I was only replying to it. Then yes, kung gusto nila di…
Karen Davila: All right. Kaaway mo ang ilegal na droga. Anong gagawin niyo sakaling malaman po ninyo na isa sa mga anak niyo ay gumagamit ng ilegal na droga?
Mayor Rodrigo Durterte: Patayin mo.
Karen Davila: May anak po ba kayong nalulong o gumamit ng ilegal na droga?
Mayor Rodrigo Duterte: Wala. Everything is all – everybody is okay, sir. My order is – even if it is a member of my family, kill him.
Karen Davila: All right. Thank you.
[Applause]
Tony Velasquez: Ang susunod po natin tatanongin si Senator Grace Poe. Bibigyan natin ng dalawang minuto. Senator Grace, kapag ka po’y – kayo po ba ay naluklok sa Malacañang, may Amerikano bang papasok din kasama ninyo?
Sen. Grace Poe: Wala po, ako lang naman ang hinalal eh.
Tony Velasquez: Ang ibig sabihin po ba nun ay matatapos na rin na re-renounce ng iyong mister ang kanyang American citizenship?
Sen. Grace Poe: Na-renounce na po.
Tony Velasquez: Kailan po siya nag renounce?
Sen. Grace Poe: Siguro mga isang buwan na nakalilipas. Pero siya ay talagang Pilipino na pinanganak ng mga magulang na Pilipino.
Tony Velasquez: Sa makatuwid –
Sen. Grace Poe: Yan po ay para lamang mawala ang duda, pero siya po ay natural born.
Tony Velasquez: Para linawin lang, sinauli na niya ang kanyang US passport?
Sen. Grace Poe: Opo. Di…kung ano po yong nakalagay sa batas.
Tony Velasquez: Opo. Ngayon po ba ay maaaring tumulong na ang mga Amerikano sa pagtugis sa Abu Sayyaf?
Sen. Grace Poe: Kahit sinong mga allies natin dapat tumulong sa atin.
Tony Velasquez: Sino po ang magiging Defense Secretary ninyo?
Sen. Grace Poe: Babanggitin ko na lang po pag binigay sa atin ang tiwala ng ating mga kababayan.
Tony Velasquez: Okay. Ano po ang pinakamagandang ugali ng Pilipino or pinakamasamang ugali ng Pilipino na gusto niyong baguhin?
Sen. Grace Poe: Siguro yung kawalan ng – masyadong mapatawad. Minsan hindi rin mabuti yun.
Tony Velasquez: Kaya ang susunod na tanong ay mapapatawad niyo na ba at ipalilibing sa Libingan Ng Mga Bayani si dating Pangulong Marcos?
Sen. Grace Poe: Kung anuman ang opinyon ko, ang masasabi ko lang yung batas ay nagsasabing hindi pwede, RA 10368, na nagsasabi, kilalanin ang mga nagsakripisyo noong panahon niya.
Tony Velasquez: Si dating Pangulong Gloria Arroyo po ba ay dapat isailalim na lang sa house arrest?
Sen. Grace Poe: Kung pumayag ang doctor, hindi ko hahadlangan.
Tony Velasquez: Ang mga bagong mining contracts po ba ay aaprubahan niyo sa inyong administrasyon?
Sen. Grace Poe: Tingnan muna natin baka sobra-sobra na. Tingnan natin kung yong mga mining companies na bukas na ay tumatalima sa batas at kung talagang kailangan ng isang kumidad. Kung may iba namang trabaho doon bakit pa tayo magbibigay ng permit?
Tony Velasquez: All right. Maraming salamat, Senator Grace.
[Applause/Crowd Cheering]
Karen Davila: Secretary Mar, this is Fast Talk. Kung sakaling maging bise presidente mo si Bongbong Marcos, bibigyan mo ba ng Cabinet position?
Sec. Mar Roxas: Oo naman kung siya nga ang nanalo. Pero naniniwala akong mananalo si Leni Robredo.
[Applause/Crowd Cheering]
Karen Davila: Palpak ba ang Administrayong Aquino sa pagresolba ng tanim-bala?
Sec. Mar Roxas: Ano po?
Karen Davila: Yes or no?
Sec. Mar Roxas: Ano po?
Karen Davila: Palpak ba ang Administrasyong Aquino sa pagresolba ng tanim-bala scam?
Sec. Mar Roxas: No. Iniimbestigahan nila at papanagutin nila kung sinong may – dapat na managot.
Karen Davila: Kaya mo bang solusyunan ang tanim-bala scam, sir?
Sec. Mar Roxas: Oo, simpleng-simple. Tatanggalin ko yung mga scanner doon sa harapan ng airport dahil may scanner na doon sa baba. Walang – walang pangangailangan na i-scan – walang airport sa buong mundo na nag-sa-scan bago ka pumasok sa airport. Lahat ng mga scanner ay naandun sa baba. Kaya doon na lang dapat na ma-scan, na walang human intervention.
Karen Davila: Secretary, sapat po bang nagawa ninyo nung tumama ang bagyong Yolanda, yes or no?
Sec. Mar Roxas: Yes. Ginawa ko ang lahat, tinaya ko ang aking buhay.
Karen Davila: Papayag po ba kayo sa pagpasok ng mga bagong minahan sa Pilipinas?
Sec. Mar Roxas: May batas eh. We are all aspiring to become President of the Philippines. Number one is to execute the laws of the land. Pero itong mga batas na ito ay dapat tumalima sa ating mga patakaran which is local acceptance at environmental compliance.
Karen Davila: Masama po ba para sa kalikasan ang coal o carbon, yes or no?
Sec. Mar Roxas: Yung maduming coal at maduming carbon, masama. Pero may mga coal-plants sa Finland, sa Germany, sa Sweden, sa gitna ng lungsod na pinapaandar dahil ito’y tinatawag na clean coal.
Karen Davila: Nangangahulugan ba itutuloy nyo po ang pagpapatayo ng 23 nakabinbin na coalplants sa Administrasyong Aquino.
Sec. Mar Roxas: Kasabay nun ay isusulong natin yung natural gas, para manatiling 50-50 yung ating energy balance between clean, which is coal and oil, at saka sa natural gas sa renewables at saka sa geothermal.
Karen Davila: All right, sayang sir, two minutes na po. Marami pa akong tanong sa inyo.
Sec. Mar Roxas: Pwede mong – pwede mong i-email, sasagutin ko.
Karen Davila: Salamat po, Secretary Roxas. Abangan ang pagharap ng mga kandidato sa taongbayan sa usapin naman po ng kalusugan at kapayapaan sa Mindanao sa pagbabalik po yan ng PiliPinas 2016 Presidential Town Hall Debate.
[COMMERCIAL BREAK]
5th ISSUE: SAKIT NI JUAN, SAKIT NG BUONG BAYAN
Karen Davila: Ang huling harapan live po mula sa Pangasinan. Ang ating pang-limang issue ng taumbayan, tumbukin na natin ito: sakit ni Juan, sakit ng buong bayan. Sa ilang liblib na lugar o ilang mga barangay, alam niyo ba, ang simpleng sakit, lumalala o minsan namamatay pa ang tao, dahil na rin po sa kawalan ng mga sapat na pagamutan at kagamitan. Bagamat mga lokal na pamahalaan na po ang dapat tumugon sa ganitong sitwasyon, anong pagbabago sa larangan ng kalusugan ang gagawin ng isang Pangulo? Ito po ang sinapit ni Mang Jun.
[Video playing]
Mang Jun: Noong buhay pa si Tatay, malakas pa nga eh. Nagtaka nga ako eh kasi sumakit na lang yung tyan na. dalawang araw, yun, namatay na sya. Wala na kami pumunta sa center kasi parati naman naka lock. Dun sa bayan? Ay, terible, ang layo. Paglalakarin mula dito sa bahay namin, pagdating mo sa bayan, sus mga mahigit tatlong oras. Pagdating dun, sa highway, sakay naman kami papunta ng ospital. Kung mayroon lang sana mga kagamitan ang mga nurse, siguro yung tatay ko, mga—buhay pa ngayon.
Karen Davila: Nandito po si Mang Jun. Mang Jun, ito po ang kumakandidato, humihingi ng inyong boto, ano po ang tanong niyo Mang Jun?
Mang Jun: Ma’am, Sir, ano pong solusyon niyo sa lugar namin? Walang doktor, kulang sa kagamitan, at walang gamot. Marami na nagkasakit, namatay sa lugar namin, tulad ng tatay ko. Buhay pa sana siya ngayon kung mayroon sana akong nalapitan. Kailan pa po bang maghihirap yong…yung aming…
Karen Davila: All right, Mang Jun. Okay. Emosyonal si Mang Jun. Naiintindihan po natin, no. Mauuna po ngayon si Secretary Roxas. Secretary?
Sec. Mar Roxas: Mang Jun, nakikiramay po ako sa iyong pagdadalamhati. Gayunpaman, ito ang ating programa. Naniniwala ako na ang kayamanan ng isang tao ay nasa sa kanyang kalusugan. Health is wealth kumbaga. Kaya dadalhin natin ang kalusugan sa pinakaliblib na mga lugar sa ating buong bansa. May programa tayo, Php 42 billion ito, isang milyong piso para sa bawat barangay. Magkakaroon ng health station ang bawat barangay sa halagang isang milyong piso para may – mapatayo ang isang pasilidad, kumpleto sa kagamitan at bibigyan natin ng allowance ang ating mga BHW para merong mga propesyonal na nakatutok doon at makakapagtingin sa – kung sino man ang lalapit doon. Importante ito dahil yung mga malalayo sa poblasyon, hindi nga nakakarating at nakakakita ng doktor. Sixty percent of our people die without ever having seen a medical professional. Kaya importante na dalhin natin ang mga pasilidad, ang mga doktor, ang mga nurse, ang mga BHW lalung-lalo na sa primary health care doon sa mga pinakamalalayo, pinakaliblib na mga lugar. Dagdag pa doon, papalawakin natin ang ating PhilHealth, which is curative naman ito. Pag sakaling nakita na may karamdaman, meron din namang pondo na sasagot sa pagpapagamot sa kanila. Ngayon po, 93% na po ang coverage ng PhilHealth, 93% of the whole population 100% ng lahat ng mahihirap. Sigurado, gobyerno ang magbabayad sa pagpapa-gamot sa kanila. Yan ang ating programa.
[Applause/Crowd Cheering]
Karen Davila: Vice President Binay.
VP Jejomar Binay: Alam mo Jun, yang problema mo, talagang nakakaiyak, ha. Sa akin, lahat ng barangay, magkakaroon ng barangay health center. Lahat ng barangay health center, kumpleto sa gamit, at lahat ng barangay health center, magkakaroon ng isang barangay health worker. Ang primary health, yung primary health care, eh ang problema sa primary health care eh lulutasin natin kasi walang consultation yun. Para ikaw ay makagamit ng benefit ng health care, kailangan eh ikaw ay ma-confine, ha. Ngayon babaguhin natin yun. Pati sa consultation, kasama sa health care. At yung mga gamot – gamot, pagpapa-ospital, eh libre. Libre sa mahirap. Katulad sa Makati, walang mamamatay na mahirap dahil sa sakit. Ito ay naranasan ko. Ang pakiramdam mo, naramdaman ko rin kasi ang nanay ko namatay, namatay sa cancer of the breast. Dahil sa kakulangan ng aming pera, hindi halos napagamot. So, pinangangako ko sa inyo, wala ka ng idadaing pag ako’y namuno. Bibigyan namin kayo, libre lahat ang kailangan ninyo eh ospital at gamot.
[Crowd cheering]
Karen Davila: Senator Miriam.
Sen. Miriam Defensor-Santiago: Para hindi na mangyari uli iyon, ito ang gagawin natin: una, palakasin natin ang CCT program – Conditional Cash Transfer Program – sa pamamagitan ng budget. Pangalawa, dapat itong PhilHealth ng gobyerno na naka-insure ang – the person is insured under it, PhilHealth coverage should be extended universally. Lahat ng tao should have PhilHealth coverage. Pangatlo, dapat naman mino-monitor itong mga barangay health centers, kasi kung minsan, wala na silang stock ng medisina nila or mga vaccines nila. At panghuli, dapat ang ating motto should be, “Prevention rather than cure.” Dapat may information dissemination campaign tungkol dito para sa lokalidad alam nila kung anong mga lumilipad na mga virus. That’s all.
[Applause/Crowd Cheering]
Karen Davila: Maraming salamat. Mayor Duterte.
Mayor Rodrigo Duterte: Well, I would like – this not to pull my own chair, but I have been Mayor of Davao City for the last 22 years. Ngayon ho, ang experience ko is the doctors, the nurses and the medicines, balak ko po dagdagan. Kasi it’s existing now, pero yung mga malayo, no takers, dito sa urban areas. But it would be a good idea if you can place one doctor per barangay and he acts as the physician of that barangay. Now, if it’s a tertiary – if it’s just an – if it needs hospitalization, operation, they can always bring – may 911 kasi ako. It’s free. Hot call ning 911, hatid sa ospital and I pay. Ako ang magbayad. Now for the entire Philippines, I will commit the PAGCOR funds, kita, it’s about 30 billion, is it? I will commit it as a trust fund to be used only for the payment of the Filipinos who are in hospitals sa mga medical expenses nila. I will require all hospitals – hospital ng mayaman, hospital ng mahirap – to go back to that facility of reserving 8 beds or 20 depending on the capitalization. At – I’m sorry I have no voice – doon sila at huwag silang matakot because there is always money to pay. Ang billion ng PAGCOR funds for that purpose
Karen Davila: Senator Grace Poe.
Sen. Grace Poe: Sa pagiikot ko sa buong Pilipinas, ito ang nakaka-iyak. Sinasabi nila importante ang health care pero sa mga ibang ospital, wala man lang tubig ang mga ospital. Katulad sa Catbalogan, galing ako doon. Paano mo pagagalingin ang mga pasyente kung hindi mo man lang malinis ang sarili mo. Pangalawa, pag ako ang naging pangulo, sisiguraduhin ko na ang mga mahihirap zero billing sa mga ospital sapagkat ngayon sa ating PhilHealth kailangan pa rin may out-of-pocket. Kaya po nang gobyerno bayaran yan. Pangatlo, importante para may doctor, bigyan natin ng scholarship, one town, one doctor. Bawat isang town magkakaroon ng scholar. Pag nag-graduate sila na binayaran ng gobyerno, magsilbi sila ng apat na taon tapos magpapalit para hindi magkukulang. Ang nakakalungkot sa PhilHealth, kung mayroong nakitang bukol sa iyong tiyan, hangga’t hindi ito dumudugo, hindi ka puwedeng ma-confine at hindi ka papagalingin. Kaya, kailangan lang sa ating mga kababayan, ginagarantiya ko sa inyo, isang makataong gobyerno kung saan ang mga mahihirap ay pwedeng magpagaling at hindi na iisipin kung magkano para lamang isalba ang kanilang mga mahal sa buhay. Pasensiya na po Mang Jun.
Karen Davila: All right, next round, 30 seconds. Pwede niyong klaruhin, hamunin o pwede magbigay kayo ng pahayag o magdagdag. Secretary Mar.
Sec. Mar Roxas: Alam mo natutuwa ako because sa mga sagot ng aking katunggali, ina-affirm nila ang mga programa na kasalukuyang ginagawa na. Pinapangako pa lang nila, ginagawa na natin. Halimbawa, yung trust fund na sinabi ni Mayor Duterte. Eh, meron na tayong mahigit Php 1 bilyong trust fund sa PhilHealth para tugunan ang lahat. Last year, PhilHealth paid out Php 75 billion para sa 6.5 milyong pasyente na binayaran niya. Ngayon po, sinabi naman ni Senadora Grace, zero-based billing na po tayo para sa mga pinakamahihirap na mga kababayan natin. Ito lahat ay dahil tinutugunan natin na ang tao, pag hindi nakabayad sa paggastos sa pagpapagamot, back to zero, may butas pa ang bulsa. Kaya’t ginagawan natin ang lahat para manatali siyang – silang malusog at may matatakbuhan silang may reresbak sa kanila sakaling magkasakit sila.
Karen Davila: Yes. Okay. All right. Sunod lang tayo – sandali lang. Vice President Binay, 30 seconds. Go ahead.
VP Jejomar Binay: Alam po ninyo yun ang problema eh. Eh kung totoo yung sinasabi ni Secretary Roxas di tayo makakarinig ng ganitong reklamo.
[Crowd cheering]
VP Jejomar Binay: Ang problema kasi eh, yung pagpapatupad eh. Yan ang problema. May kaya bang magpatupad? May karanasan bang magpatu – ipatupad ang ipinangangako?
Karen Davila: Secretary Roxas, please respond.
Sec. Mar Roxas: Hindi ko po alam yung circumstances ni Mang Jun. Ang punto po dito ay doon sa mga programa na ipinapatupad natin, nangyayari na ngayon lahat yan. Kinalulungkot ko na hindi nasaklaw or hindi nasakop si Mang Jun doon sa mga programa. Pero hindi rin natin madedeny, 6.5 milyong pasyente. May mga pangalan yan, may mga ospital yan, may mga medical record yan. Ang natulungan last year, sa halagang Php75 bilyones na dati-rati manggagaling sa bulsa ng mga mamamayan mismo. Ngayon, nanggagaling mula sa gobyerno.
[Crowd cheering]
Karen Davila: Senator Miriam, it’s your turn for your 30 seconds.
Sec. Miriam Defensor-Santiago: We should stop the Philippine Charity Sweepstakes Office from demanding a letter of recommendation from a politician before they attend to the the request for funding from the poor. Number 2, I opposed privatization of hospitals because it drives the cost of medicines upward.
Karen Davila: All right. Mayor Rodrigo Duterte.
Mayor Rodrigo Duterte: Well, I was the one alluded to by the Secretary. Nilakad na ho namin yan – yang sinasabi niya. Eh, wala hanggang ngayon. I applied for that program about two years ago. Patay na ho yung iniisip ko kung gamutin ko. And until now, there is no – it’s ain’t true. Wala sa Davao. It’s not true. Pina-follow up na.
Karen Davila: Secretary Mar, your name was mentioned.
Sec. Mar Roxas: Siguro kathang-isip ito ni Mayor Duterte dahil totoo na may mga natutulungan ang PhilHealth sa Davao City. Bukas, alas-otso ng umaga, ibibigay ko sa kanya ang lista ng mga Davaoeño na natulungan ng PhilHealth at ng gobyerno sa Davao City.
Karen Davila: Mayor?
Mayor Rodrigo Duterte: I do not believe you. You have made so many promises in your term in the government on – lahat halos wala kayong nabibigay sa tao. Puro daldal, puro announcement, puro lahat. No implementation. And if there is one, it’s all corruption.
Karen Davila: Go ahead, Secretary.
Sec. Mar Roxas: Mayor Duterte, I dare you. Kung may mapakita akong tao, pangalan, ospital na talagang natulungan sa Davao City, ikaw ba’y aatras? Kasi ang problema dito, kung hindi pumasok at hindi mo pinaniwalaan ang aktuwal na facts na datos ay babaliwalain mo. Ito ang mga katotohanan. So, doon tayo sa katotohanan. Huwag nating lokohin ang ating mga kababayan na walang nangyayari. Ang katotohanan ang pinakabasehan ng kahit anong pamumuno. Katotohanan ang basehan ng ating tiwala sa isa’t isa.
Karen Davila: Go ahead, Mayor.
Mayor Rodrigo Duterte: Well, this is a nationwide problem. Pati Davao nilinlang na nila. The people of the Philippines are listening. Is this guy telling the truth?
[Crowd cheering]
Sec. Mar Roxas: Sandali lang. Ito. Pinalitan na naman. Binago na. No, ito na naman. Ito yung style ni Mayor Duterte kaya huwag natin – sa mga kabataan, huwag nating tularan ito. Ang importante dito, Mayor Duterte may sasabihin. Tapos, kung palagan siya or pakitaan siya ng facts, aatras, magsasabi na naman ng iba. Ito ang hamon ko, ito ang hamon ko simpleng-simple. Sinabi ko ito, sinabi niya “Oo.” May mapapakita ako actual, naka-video ng mga tao na natulungan ng PhilHealth sa Davao City. Libu-libo po yan. Sinabi niya aatras siya.
Karen Davila: Go ahead, Mayor.
Sec. Mar Roxas: Tignan natin kung tutuparin niya ang sinabi niya.
[Crowd cheering]
Mayor Rodrigo Duterte: Alam mo, ma’am, nakikinig ang buong Pilipinas sa gobyerno araw-araw. Eh si Secretary Roxas naman hindi nagpapaiwan. Ngayon, kung totoo talaga ang sinasabi mo at naniniwala ang Pilipino sa iyo at dapat ikaw ang maging presidente at bakit sa huli ka sa rating?
[Crowd cheering]
Karen Davila: Naku. Okay, ganito. We have to move on at some point pero because of that – because of that I will have to let Secretary Mar respond. But we need to go on with Senator Grace Poe after. But Secretary please respond.
Sec. Mar Roxas: Simpleng-simple lang po nakikita ng ating mga kababayan ang asal mo, Mayor Duterte, na hindi ka karapat dapat. Kaya sa Mayo a-nuebe, ang mananalo ang matuwid, ang mananalo ang disente, ang mananalo ang karapatdapat si – walang iba kundi si Mar Roxas.
Mayor Rodrigo Duterte: Susmaryosep!
Karen Davila: All right. Let’s move on from this. Senator Grace Poe, you’ll have five minutes later. If you want to discuss this on your own, you’ll have the floor. Senator Grace, 30 seconds.
Sen. Grace Poe: Jun –
Mayor Rodrigo Duterte: (Inaudible).
Karen Davila: Mayor, Senator Grace Poe.
Mayor Rodrigo Duterte: Ah, akala ko ako.
Karen Davila: Turn na po niya. Susunod pong segment, meron kayong panahon po. Senator Grace.
Sen. Grace Poe: Alam mo, Karen, yung kinikita ng gobyerno sa sin tax ay mga Php140 billion. Sa aking pag-iikot, ang daming mga local government na nagrereklamo na pinabayaan sila ng gobyerno. Basically, silang gumagasta sa kanilang hospital. Sa Php140 billion, kung bigyan natin ang bawat isang probinsya sa kanilang provincial hospital ng Php1 billion, mapapa-rehabilitate nila di ba Manong Jun? At least hindi – mukhang yung mga kisame mahuhulog na, walang tubig, wala man lang bed sheet. Ito yong mga bagay na gagawin ko. Bilang isang babae, alagaan ko yang ating mga hospital.
Karen Davila: All right. Susunod na isyu po muna tayo. Mamaya po pwedeng ipaliwanag pano niyo gagawin yang isang bilyon kada probinsya. Tony.
SIXTH ISSUE: KAPAYAPAAN SA MINDANAO
Tony. Velasquez: Salamat, Karen. Buwis buhay para sa kapayapaan. Marami sa mga kababayan natin sa Mindanao hindi na maka-usad ang buhay dahil laging naiipit sa giyera. Dinggin natin ang hinaing ni Aling Amina na gusto lang na mamuhay ng tahimik ang kanyang pamilya.
[Video playing]
Aling Amina: Simula nung nagkagulo dun sa amin, hindi na namin, ano, kung saan kami kukuha ng pang-araw-araw namin dahil hindi kami makapunta dun sa bukid namin kasi nagbabarilan. Nanay ko, tinamaan ng bala. Ayun, patay na. Paano makapag-aral yung mga anak namin kung gulo ng gulo? Pahinto-hinto? Hindi ka makapag-isip dahil nasa utak mo gulo. Kahit saan ka magpunta, yun, barilan. Siyempre, wala akong asawa, paano ko bubuhayin mga anak ko? Sa pamamagitan ng kangkong lang? Mauubos na yung kangkong, saan ko naman kukuhanan?
Tony Velasquez: Kasama natin po ngayon dito sa University of Pangasinan si Aling Amina. Nagmula pa po sya sa Maguindanao. Aling Amina, kamusta po kayo?
Aling Amina: Mabuti naman po.
Tony Velasquez: Ano po ang inyong katanungan ngayon sa mga kandidato? Amina: Gusto ko lang pong itanong kung makakamit pa ba namin ang kapayapaan sa probinsya namin? Dahil hanggang ngayon andun pa rin kami sa evacuation center. Hindi kami makauwi dun dahil sa bakbakan dun sa amin. Maliit pa ako, wala na akong alam na marinig kundi bakbakan. Hanggang ngayon may asawa na ako, may mga anak na ako, bakbakan pa rin doon sa amin. Ngayon, hiwalay ako sa asawa ko, mag-isa kong tinataguyod ang mga anak ko. Paano ko bubuhayin ang mga anak ko, kung hindi ako makapunta dun sa bukid namin dahil sa giyera doon? Mauubos na yung mga kangkong na ipapakain ko sa mga anak ko. Wala na akong maisip na paraan para mabuhay ko lamang ang mga lima kong anak. Pinapag-aral ko yung tatlo kong anak para naman sana magkaroon sila ng kaalaman.
Tony Velasquez: Paano po natin matatapos ang hidwaan sa Mindanao? Simulan po natin. Ang sasagot, si Senator Miriam Defensor.
Sen. Miriam Defensor-Santiago: Una, we will dismantle the private armies. Merong private army na kaiba pa sa Armed Forces of the Philippines. Yan nanggagaling sa isang pulitiko diyan na maraming perang ninakaw sa gobyerno kaya kaya niya magbuo ng isang army. At tapos itong army na ito, hindi na madisiplina dahil sinasabi nila nagtutulong naman daw sila sa gobyerno. Kaya yun ang unang-unang tutukan diyan sa iba na yan. Pangalawa, to stop the intumescent conflict in Mindanao, we have to adapt their customary or traditional law into our Western style model of justice – of the justice system. For example, maganda naman yung mga ugali ng Tausog kaya ginawa na – may municipal ordinance ng isang – ng isang bayan. Pagkatapos, meron silang sharia court, so maganda rin ang mga base. Kaya sa dalawang paraan na ito, maaaring magkamagkaka – magkatagumpay na tayo sa wakas at mahinto na ang giyera or terrorism sa Mindanao.
[Applause]
Tony Velasquez: Secretary Roxas, kayo naman po?
Sec. Mar Roxas: Para kay Aling Amina, alam ko po ang inyong sitwasyon. Nakwento din po sa akin ni Ina Ambolodto, isang tulad mo, laki sa pagiging bakwit doon sa Maguindanao ang kanyang istorya kung saan talagang nawalan ng pag-asa. Kaya natin isinulong yung Comprehinsive Agreement on Bangsamoro, para magkaron na nga ng kapayapaan. Alam natin kung walang development, walang kapayapaan. Pero kung wala namang kapayapaan, wala ding progreso at development. Kaya’t dalawang – dalawang kilos po ito. Sa isang bahin, yung ating gobyerno, sinusulong ang usapin para sa kapayapaan sa lahat ng mga sektor lalung-lalo na sa MILF doon sa Mindanao. At sa kabilang sektor naman, sa kabilang bahin, yung development, yung imprastraktura. Yung imprastraktura na naparating natin sa Mindanao ngayon ay doble sa nakaraang limang taon kumpara sa lahat ng imprastraktura na naparating doon noong nakaraang labing-dalawang taon noong nakaraang dalawang pangulo. Ganun ang pagtingin natin sa Mindanao. Ito, may konkreto tayong ginawa. Ginawa natin yung Comprehensive Agreement, isinulong natin ang BBL. Sa kasawiang palad, hindi ito naipasa sa Senado at sa Kongreso. Pag ako po ay naging pangulo, isusulong ko po yan. Dahil peace without progress hindi mangyayari, pero progress without peace ay hindi rin mangyayari. Dapat panahon na na maisakatuparan ang pangako ng Mindanao.
Tony Velasquez: Mayor Duterte, kayo po ang susunod na sasagot.
Mayor Rodrigo Duterte: The war in Mindanao runs deep. You know, this may sound funny to you but when Magellan landed in Leyte, Islam was already planted firmly in Mindanao because they belong to a different sultanate. Ang makakaintindi lang yong Sabah papuntang Malaysia. But you know, the conquerors and the Americans and the Spaniards, kinuha nila ang Mindanao which was already Islam. Kaya yong pumunta yong mga sundalo ng Espanyol pati Amerikano, giyera talaga. We have to talk and we have to correct the historical injustice. I tell you as a Mayor of the City of Davao there will be no peace. There can never be a federal government until we talk to the NPAs which has been fighting us, I know, ‘70s estudyante na ako. Ngayon, 70 years old na ako. You know, it has to be a development but you have to make the peace there bago ka makagalaw. Pag hindi mo nakausap ‘to in peace talks, everything will fail. I would like to tell you and I’m telling now to the Republic of the Philippines, nothing will appease the Muslim, the Moro people if you do not give them the BBL, that’s their pinaka (best command).
[Applause]
Tony Velasquez: Vice President Binay.
VP Jejomar Binay: Alam po ninyo, Aling Amina, ako ho eh sanay na sanay makipag-usap. Bago ho ako napunta sa gobyerno, nakikipag-usap ako dun sa mga manggagawa at saka sa kanilang pinagta-trabahuan. Nung naging mayor po ako, yung mga hostage problems, nagkakaroon po ako ng resultang maganda. Ipagpapatuloy ko po, Aling Amina, katulad ng bawat Pilipino na tayo ho eh magkaroon ng talagang katahimikang, ah, na matagalan. Lasting peace, yun nga po ang sabi. Sa akin, sa aking palagay, yan hong lasting peace na yan eh makakamit kung mahaharap po natin ang problema ng kahirapan na naglipana po don sa inyong lugar. Yan po ang pinagmulan kung bakit ho meron hong gustong umalis, ito ho ay gumagamit ng dahas para ibagsak ang pamahalaan. Pero, ang puno’t dulo po nyan ay yung kahirapan. Sa aking pamumuno, aangat at aangat ang buhay po dun sa inyong lugar sa Mindanao, at yan ho ang magiging pangunahing dahilan kung paano ho tayo magkakaroon ng lasting peace sa inyong lugar. Oh, yun po ang aking pangako ho sa inyo. At nakatitiyak kayo, kasi ako ho aksyon agad, ginagawa ko, ha. I make decisions. As a leader, I am decisive. Mangyayari po yan.
[Crowd Cheering]
Tony Velasquez: Maraming salamat. Iikot po tayong muli sa ating mga kandidato at hihingi po tayo ng karagdagan pang mga sagot. Ay, pasensya na po. Nakalimutan ko po si Senator Grace Poe. Senator Grace, may oras pa po pala kayo. Paumanhin po.
Sen. Grace Poe: Amina, bilang isang babae, naiintindihan kita. Ang mga lalake, pasan siguro nila ang armas, pero pasan natin ang mundo sa ating balikat pag may gyera. Sapagkat tayo ang naiiwan para bantayan ang ating pamilya. Sa Mindanao, kapayapaan ay napakahalaga. Pero doon sa mga turis – doon sa mga terorista na nananakit o pumapatay, hindi natin dapat sila pagbigyan kung ayaw nilang makipagbalikan, makipagusapan sa gobyerno. All out war sa mga nagbabanta sa atin, pero dapat all out development rin. Sa Maguindanao, wala pa yata kayong provincial hospital. Isa yan sa pangangailangan natin. Importante rin na pangalagaan natin ang imprastraktura sapagkat kung konektado kayo sa isa’t isa, mas madaling mababantayan ang mga teritoryo natin sa Mindanao. Ngayon, may problema, hindi lamang sa Pilipinas kundi sa Malaysia. Kung hindi ako nagkakamali, binara na nila yung border na hindi makakapunta doon ang ating mga kapatid sa Tawi-Tawi para mag trade or barter. Kailangan magkaroon tayo ng bilateral talks para talagang sugpuin ang terorista sapagkat nawawala ng trabaho ang ating mga kababayan. Kung ako maging pangulo, ipagpapatuloy ko ang usapin kapaya – pang kapayapaan pero dapat kasama ang lahat. At hindi tayo dapat namimili ng iilang grupo lamang.
[Crowd Cheering]
Tony Velasquez: Maraming salamat. At eto na nga po, bibigyan pa po natin ng additional 30 seconds ang ating mga kandidato para dagdagan pa ang kanilang mga naunang binigay na pahayag. Uulit po tayo. Magsimula tayo kay Senator Miriam Defensor. Senator Miriam.
VP Jejomar Binay: Si Senator Defensor.
Tony Velasquez: Si Senator Miriam, wala na pong idadagdag?
VP Jejomar Binay: Hindi na. Wala nang idadagdag.
Tony Velasquez: Okay. Sige po. Si Vice President Roxas po, 30 seconds.
[Laughter]
VP Jejomar Binay: Bakit naman dinemote mo yun?
Tony Velasquez: I’m sorry. Secretary Mar Roxas. My mistake.
VP Jejomar Binay: Ah promoted pala.
Sec. Mar Roxas: Pero kung pino-promote mo ako, bakit hindi, di ba?
Tony Velasquez: My mistake, I apologize. Steve Harvey moment. Sorry.
Sec. Mar Roxas: Aling Amina, maaasahan po ninyo yung kapayapaan pag tayo po ang naging pangulo. Ang katanungan po ninyo: sino sa amin ang maghahatid ng kapayapaan – pangmahabaang kapayapaan at progreso sa inyo. Maaasahan po ninyo, ginagawa na natin ngayon yan at ipagpapatuloy natin yan sa inyong lugar.
[Applause]
Tony Velasquez: Okay. Maraming salamat. Susunod po ang sasagot si Mayor Duterte.
Mayor Rodrigo Duterte: I said, we have to talk. We cannot fight forever, unless this injustice is corrected. Ang mga Moro naman are willing to compromise. Sabi ko, hindi kasalanan ng mga Kristiyanos, they came in droves. So sabi kasi ng Amerikano, “Go to Mindanao because it is the Land of Promise”, simply because walang Moro magtrabaho sa kanila. That started the migration. We have to talk. We have to correct, I said, that injustice, otherwise…Salamat.
Tony Velasquez: All right. Thank you. Vice President Binay.
VP Jejomar Binay: Uulitin ko po, uulitin ko na yan ho ang problema sa Mindanao, eh ang pinagsisimulan po niyan kahirapan. Ah, kung angat ang buhay dyan sa lugar na ‘yan, hindi po tayo dadako na makakaisip na humiwalay sa ating buong bansa. Hindi ho madadako na gagamit ng mga baril para ibagsak ang pamahalaan. Kahirapan po ang problema at sabi ko nga ho, yun din ang problemang naharap ko sa Makati, magagawa po nating maiangat ang buhay ng bawat Pilipino.
Tony Velasquez: Maraming salamat po, Mr. Vice President. At ang huli pong kasagutan mula po kay Senator Grace Poe. Thirty seconds ma’am.
Sen. Grace Poe: Salamat di mo ako nakalimutan.
Tony Velasquez: Yes ma’am.
Sen. Grace Poe: Yung ating tagtuyot sa Mindanao, halimbawa na lang, Region 12 yata – South Cotabato. Halos lagpas dalawang daang bilyon ang binibigay sa atin, sa kanilang mga agricultural products. Pero pagdating sa tulong sa El Niño, 9 million lang ang binibigay natin sa napakalaking budget na inilaan para dito. Makita mo talaga, kulang ang suporta sa Mindanao. Hindi ko alam kung bakit. Pero sa tingin ko bilang nanay, dapat patas ang pagtrato sa lahat, malayo mang lugar sa Pilipinas o malapit.
[Applause/Crowd cheering]
Tony Velasquez: Maraming salamat sa mga kandidato. Aling Amina, maraming salamat din po. Well, lumalalim na nga po ang gabi pero meron pa po tayong final showdown. Susunod na. PiliPinas 2016 Presidential Town Hall Debate.
[COMMERCIAL BREAK]
CANDIDATES’ CLOSING STATEMENTS
Tony Velasquez: Nasa huling bahagi na po tayo ng ating PiliPinas 2016 Presidential Town Hall Debate. Ang huling harapan, eh, sabi nga po, tuwing may halalan, pagkakataon ito ng bagong panimula. Para bang sinasabihan ang lahat, puwede pa. Umayos na tayo bilang isang bansa.
Karen Davila: Kaya sa ating mga kanditato, para po sa inyong panghuling salita, pagkunan niyo po ng inspirasyon ang batang si (Jessa) mula po sa Bohol. Pakinggan niyo po ang kwento niya.
[Video playing]
Jessa: Mahirap po ang buhay dito kasi minsan wala kaming pambili ng ulam, tumutulong sa magulang ko; pagtatrabaho, paghugas, mag-alaga ng kapatid ko. Maproteksyonan po ako tapos 8th honor po ako. Gusto ko pong maging teacher paglaki ko. Gusto ko pong magturo sa mga bata. May spelling test po kami noon. Walang pera po kaming pambili ng papel. Nahiya po akong maghiram ng papel sa mga kaklase ko kaya dahon na lang sinulatan ko. Pinagtawanan lang po ako nila. Gusto ko pong mag-aral kasi gusto ko pong makatulong sa mga magulang ko.
Karen Davila: Kasama po natin ngayon, mga kandidato, ito po si Jessa at ang kanyang ina. Gaya po ng lahat po ng batang Pilipino, hindi pa siya puwede pong bumoto. Pero siya po ang punong-puno ng pangarap at pag-asa.
Tony Velasquez: Eh, pakisama niyo naman po sa inyong mga panghuling pananalita, kung ano po ba ang maari niyong gawin para hindi mabigo ang mga pangarap ni Jessa at iba pang mga bata na katulad niya. May hanggang five minutes po kayo bawat kandidato. At batay sa naging bunutan, ang mauuna po ngayon ay si Mayor Rodrigo Duterte. Five –
Karen Davila: And the stage is yours for five minutes.
Mayor Rodrigo Duterte: To my countrymen, I am running for President. I am just an ordinary citizen. I do not have the credentials of a summa cum laude. I was not even an honor during my time. Eh, tamang-tama lang ho. But awa naman ng Diyos sa amin, we are just migrants to Mindanao. Of course, my mother is a Mindanaoan. Ang pangako ko sa inyo ito, droga papanagsikapin ko, I’ll suppress it to the minimum kung hindi ko kayang hulihin. Criminality, it is hounding the urban areas and even the countryside – alam mo pati droga umaabot na sa bukid, pinagbibilihan na nila yung mga anak ng farmers. And they get the carabaos and the pig. You know, galit talaga ako. Sabi nila na mamamatay-tao ako, baka talaga. Ang hinihingi ko lang, stop and I will fix government. Corruption must stop. If you – if I’m into the presidency, for two weeks tapos walang maniwala sa akin, walang susunod, then even if you give me 10 years, I would not be able to do it. Pero ako kasi, sabi ko, ordinaryong tao lang ako, ayaw kong mapahiya. Kaya ‘pag sinabi kong huminto kayo, huminto kayo. And for those really – alam ko na, I have one word for all of government dito sa Pilipinas, stop. S-T-O-P. Just stop. Just obey the law. And for the civilians, wala akong hingiin. Sabi nila may extra judicial killing. It’s not that. You know, it’s really the interest of the country. Gagawin ko po iyan. I will stop corruption. Walang droga, kung maaari lang maubos ko. Pati tao – okay lang sa akin, sabay na sa droga. Criminality, ganoon rin. I will not – I will be harsh. And I’m warning you about in the horizon, the coming of terrorism. Pareho ‘yan. But I have to talk to the Mindanaoan people for peace. Hindi ito makaya kung anu-anong usapan o giyera. Kasi ito, historical ito. And even the NPAs, sabi nga ni Sison, if I’m President or si Grace, he would come to talk.” That is a welcome development. Wala akong hangarin except my country. And I pray to God na – hindi ako sinasabing bumoto kayo sa akin. I pray to God that the nation will be enlightened by his grace and you can choose the leader. Bahala kayo kung sino. The one who can make it happen. If the – yung dito sa mga katabi ko, they’re all worthy. And they can make it happen, I suppose. Pero ako ‘pag sinabi ko and – ang mga Davaoeños sanay na ito – pag sinabi kung huminto, huminto ka dyan. ‘Pag sinabi ko sayo gagawin ko dyan, ginagawa ko talaga even at the expense of sometimes – well, it could be at the expense of honor or the prestige, or the presidency. Wala akong pakialam, basta ako may trabaho at gagawin ko. ‘Yang tanim-tanim ng bala, hintuan talaga niyo ‘yan. Unless you are ready to swallow the bullet and I will make you do it. Kung hindi niyo alam ‘yan, pumunta kayo ng Davao. Marami ng coin doon sa Central Bank na kinakain sa mga – tang-ina (SIC) hindi maniwala. Eh I’m a very impatient man. Wala nga ako ipagyabang eh. Ipagyabang ko trabaho lang. I never did any greatness. Wala akong recognition sa eskwela hanggang high school, 75 lang lahat. Okay lang yan. Pero noong nag-abogado ako, medyo matino na ako. And I have learned so much reason, but I will not dwell into so much about ‘yung – the niceties of life. If it is the interest of the nation, I will do it. And finally, I’d like to thank Alan Peter Cayetano, my vice presidential candidate, for joining me, for accommodating when I asked him to join me. Maraming salamat po.
Karen Davila: Alright. Senator Miriam Defensor Santiago, closing statement. Meron po kayong limang minuto.
Sen. Miriam Defensor-Santiagor: There had been a lot of black propaganda against me, most recently in the recent months that I have withdrawn because of my cancer. I have already shown you that I am what I am now. I am what I was today. And what I will be tomorrow. We are not looking for an ordinary leader or an ordinary manager or administrator. We are looking for the President of the Philippines. So I think that the first qualification should be international stature that would be of great help to Philippine foreign and domestic policy. But more importantly, I repeat, there are three qualifications to become President. Academic Excellence. Ako, may Doctorate ako in Juridical Science from America. At saka, Valedictorian ako ng lahat ng klase ko. Hindi naman puwede na ‘yung maupo sa likod ‘yun ang magiging Presidente ng Pilipinas. Pangalawa, professional excellence. Binigyan ako ng prestigious Magsaysay Award for Government Service, “for bold and moral leadership in cleaning up a corrupt government agency.” Mayroon ba silang ganoon? Third, moral excellence. Maliban diyan sa dalawang excellences na ‘yun, mayroon pang moral excellence which the most important. Unfortunately, there is no machine that you can attach to a human being so that you can tell whether that person is honest or not. Maaaring bolero lang, maaaring magaan ang bibig, maaaring kung anu-anong sinasabi basta kung anong unang dumating sa isipan niya. Kaya pag-isipan niyong mabuti itong ginagawa natin. Nagpipili tayo ng ating maging leader sa loob ng sunod na anim na taon. Hindi tayo puwede mamili sa base lang ng kursunada o dahil uso doon sa mga gang ninyo or sa mga tribes ninyo sa eskuwela. We are all united in this endeavor to improve and reform the Philippines. Akala ng iba palaging ganito na lang tayo? Hindi. Lalabanan natin itong korupsyon na naging bunga at sanhi ng ating kahirapan. We can fight corruption. I have shown it in Immigration Commission. I have not allowed my words to overcome my deeds. At, for those who think that I should withdraw because I have once been a cancer patient, this is what I say, “I am now normal. I can think and I can act and I can pray.” Ngayon, gusto niyo akong mag-urong? Sinasabi na nga ninyong nag-urong na si Miriam. Biro mo, ang lakas pati sa radyo? Ang sagot ko sa kanila, I will never quit. I will never stop. I will never withdraw. [Crowd cheering] We all want to change the world for the better. But the person who prayed should be emulated. He said, “God, preserve this country and begin with me.” Thank you.
[Crowd cheering]
Karen Davila: Alright. Vice President Binay, may limang minuto po kayo. Sa ating mga kandidato, you – ang entablado po ay sa inyo. Puwede kayong maglakad, gamitin ang entablado. Vice President Binay.
VP Jejomar Binay: Lalakad po ako. Narinig na po ninyo, mga pangako at paninindigan ng mga kandidato. Narinig na rin ninyo, na naman, eh ‘yung lumang issue na puros bintang. Bintang, bintang, bintang na wala namang kinararatnan na ako ay nahatulan, ha. Sabi ko nga, eh mahirap, yung bintang sa akin, hindi raw ako nagpapaliwanag. Eh yung mga taong ‘yan, eh sabi ko, eh kung ayaw tignan, eh nagbubulag-bulagan. Eh kung ayaw pakinggan ang paliwanag, eh nagbibingi-bingihan. Ano pa’t ito hong mga pangakong ‘to balewala ho lahat yan. Karamihan nga ho ng mga pangako dyan at mga programang yan eh kung hindi man galing sa kandidato, eh karamihan doon ho sa mga advisers nila. Ang importante, ang importante po ay ang magiging pangulo po ba ay may kakayahang ipatupad, ha, yung kanyang ipinapangako? Mayroon bang track record? May karanasan ba ho? Kung may karanasan naman eh baka naman puros kapalpakan, ha. Eh, ito ho si Jojo Binay, sa lawak ng karanasan eh wala na hong makakapantay sa akin. Karanasan bilang nanungkulan sa executive department – executive department ng ating bansa. Dalawampu’t isang taon po akong naging mayor. At nung akin hong madatnan ang Makati, eh ‘yung problema na haharapin ng pangulo naharap ko po ‘yan. Inabutan ko sa Makati ‘yun hong mga taga-Makati kumakain pa ho ng kanin at bagoong lang. Kanin at toyo’t kalamansi lang. O, sa tamang pamamahala ni Jojo Binay, angat ang naging buhay ng mga mamamayan ng Makati. Kahit na sino ang tanungin ninyo, ‘yan ho ang buhay na masarap, buhay na matira sa Makati. Kakayahan? [Crowd cheering] Kakayahan po? Aba, bago nga pala ho, pagkatapos ng mahigit dalawampu’t isang mayor po ako, oo nga pala, naging gobernador ho ako ha. Concurrent to my being mayor, I was also appointed as governor. Pumalit po kay Mrs. Marcos sa Metro Manila Commission. Naging chairman po ako tatlong beses MMC, MMA, MMDA. Naging chairman po ako ng Development Authority. At ako ho eh naging chairman ng mga – dyan sa shelter sector. Lalung-lalo na ho dito sa shelter sector, marami ho akong naibigay na lupa, marami akong napabahay bilang chairman ng NHA. Pero, ang akin hong pinagmamalaki lagi, nagawa ko ho ang Pag-IBIG na one of the best – one of the best government agencies. Ako ho eh inihalal ninyo sa pagka-pangalawang pangulo at hindi naman ho kayo nagsisi sa pagkakaboto sa akin. Kasi, ginampanan ko ho lahat ng mga ipinagawa sa akin. Ang pagkaka-gampanan ko ho eh ayus-ayos lang. Pinakita ko ho na ako is, I’m an executive, I’m an administrator, I am a leader that makes the decisive decisions. Ngayon, ito ho eh – ‘yun hong kailangan pa ay ‘yung galing sa kahirapan. Galing po ako sa kahirapan. Marunong po akong maglaba, marunong po akong mamalengke, marunong po akong mamlantsa. Pero, tatapusin ko muna hong lahat ito, at sa pagsasabi bilang pangulo, lagi kong iisipin kung paano ko maiaangat ang buhay ng bawat Pilipino. Bilang pagtapos, gusto ko hong magpasalamat sa aking pamilya na dahil ho sa aking pagkakandidato eh kung anu-anong paninira ang inabot nila. Eh, hindi ho naman nila ako iniwanan. Nagpapasalamat din po ako sa taga-Makati dahil sa binigyan nila ako ng pagkakataong ipakita kung ano ang leadership ni Jojo Binay. Nagpapasalamat ako sa ahensyang aking natulungan at saka don ho sa mga lugar na nasiraan. Si Jojo Binay, pinakita na sila ay kasama ko. Tungkulin ng isang namumuno na laging kasama sa hirap at ginhawa ang kanyang pinamumunuan. Ako po si Jojo Binay. Kung sa ABS-CBN merong BFF, ay meron din naman pong Binay Filipino Forever. Jojo Binay sa pagka-pangulo.
Tony Velasquez: Salamat po.
VP Jejomar Binay: Number 1 sa balota.
Tony Velasquez: Salamat po, Vice President. Susunod po si Secretary Roxas. Secretary Roxas, five minutes po sa inyo. Alright. Please proceed.
Sec. Mar Roxas: Maraming salamat sa inyong lahat at lalung-lalo na sa lahat ng mga sumalubong sa amin ni Leni sa aming pag-iikot sa ating bansa, mga nagpakita ng suporta, kumamay, kumupkop, yumakap sa amin. Nakakataba ng puso. At sa init ng inyong pagsalubong sa amin, nasasariwa ang mga dahilan kung bakit ipinaglalaban natin ang ating bayan. Maraming salamat muli, espesyal doon sa ating shout-out sa mga taga-Luneta na nanonood ngayon. Patapos na ang kampanya, panghuling debate na ito. The campaign is winding down. It has been vicious and divisive. Maraming mga nasaktan: Kababaihan, LGBT, persons with disabilities, senior citizens – madalas ang mga pinakawalang kalaban-laban. But this is not who we are as a people. We are a generous people. We are warm. We are loving. Mapagbigay tayo. Ang magulang, isusubo na lang, ibibigay pa sa anak. We do with so much less because we want our children to have more. And they deserve more. Every Filipino deserves more. And that is what is at the root of our frustration. And iba gagamitin ang ating frustration para lokohin tayo, para makalimutan natin na malayo na ang narating natin, para makalimutan natin kung sino tayo bilang Pilipino, para makalimutan natin na ang tunay at makabuluhang pagbabago hindi nakakamit sa paninisi, sa pang-iinsulto o sa pang-soundbite lamang. Nangyayari ito dahil tinatrabaho. And this is what the elections have come down to. The talkers versus the doers. Those that bring out the worst in us versus those that bring out the best in us. Those – yung mga susunugin lahat ng pinaghirapan natin kontra doon sa mga magdidilig at magbabantay sa mga itinanim natin. We must stay the course because malago ang ating ekonomiya. This is what has turned us from the sick man of Asia to Asia’s bright star. Marami ang nabigyan ng trabaho. Our unemployment is at its lowest level in 10 years. Ang classrooms, we have built more classrooms and hired more teachers in the last five years than all the previous five administrations combined. May naiahon tayo mahigit dalawang milyon nang ating mga kababayan mula sa kahirapan. Wala na sila sa kategoryang mahihirap. Lumago ang ating kapaligiran at marami pang iba. But you know what? Pundasyon pa lang ito. The best is yet to come. Another six years of honest, decent, hardworking governance at mararating na natin ang ating pinapangarap. Isang Pilipinas na maunlad at disente. Puno ng pagkakataon, malaya sa takot, at malayang mangarap. Ito ang maunlad at desenteng Pilipinas. May dangal. May takot sa Diyos. Maipagmamalaki mo. Ito ang Pilipinas na ipinaglalaban natin. Dakila ang ating lahi. Dakila ang ating bansa. This is a fight worth fighting. This is a fight for our country. Nananawagan ako sa lahat sa inyo. Rally to our cause. Katukin natin, kausapin natin, kumbinsihin natin ang ating mga kamag-anak, ang ating kakilala, mga kaibigan, mga katrabaho. Dalhin natin sa kanila ang magandang balita na kinalalagyan na natin ngayon. Huwag kayong matatakot. Let our voice be heard. This is the good fight. This is a fight for decency, for honesty, for our future. Sa ika-9 ng Mayo, patunayan natin sa buong Pilipinas at sa buong mundo, mas marami pa rin tayong mga disenteng Pilipino. Mas marami pa rin tayong mga mabubuting Pilipino. Mas marami pa rin tayong mga matutuwid na Pilipino. Samahan niyo po ako. Ipanalo na natin ang laban na ito. Maraming salamat po.
[Applause] [Crowd cheering]
Karen Davila: Maraming salamat, Secretary Mar Roxas. Senator Grace Poe, five minutes closing statement.
Sen. Grace Poe: Sa aking mga kababayan dito sa Pangasinan, salamat sa inyong inspirasyon at sa pagtanggap sa amin. At sa ating mga kababayan sa buong Pilipinas, kayo ang dahilan kung bakit ako naririto. Napakaraming pagsubok ang aking pinagdaanan sa kampanyang ito. Subalit ‘pag minsan nag-iisip ako, binabalikan ko lang ang tunay na layunin kung bakit ako tumakbo. Dahil hindi ko gusto ito. Lalung-lalo na nung nakita ko ‘yung pinagdaanan ng aking ama na si FPJ. Pero sa higit sa 100 milyong Pilipino, iilan lamang ang nabibigyan ng pagkakataon na baka sakaling makapag-ambag sa kinabukasan ng ating bansa sa ganitong paraan. Jessa, ikaw ang dahilan kung bakit ako naririto dahil ako ay may anak na katulad mo rin. Bilang isang babae, bilang isang nanay, matitiis mo ba na malaman na milyun-milyong mga bata pa rin ang hindi makakain sa ating bansa? Matitiis mo bang malaman na ang pera na dapat mapunta sa pagpapagaling ng ating mga may sakit ay nabubulsa pa lamang o nasasayang sa hindi tamang paggastos? Matitiis mo ba na ang ating mga magsasaka na nagbibigay sa atin ng pagkain ay hindi man lang natin mabigyan ng pagkain ‘pag wala silang maani? Matitiis mo ba na ang mga teachers natin umaalis na lang para maging katulong sa ibang bansa? Mga kababayan ang daming puwedeng gawin para sa ating bayan. Maaring ako, maaring hindi ako. Pero dapat kung mabigyan ng pagkakataon ay sumubok sapagkat tayo’y Pilipino, mahal natin ang ating bansa. Sabi ng iba, kaya ba ng isang babae ang mamuno sa gitna ng lahat ng hinaharap ng ating bansa? Kaya bang labanan ang problema ng krimen at droga? Kaya bang labanan ang Tsina at iba pang banta sa ating bayan? Mga kababayan, ang mga babae ay mapagtimpi. Ang mga babae ay pasensiyosa. Ang mga babae ay mapagmahal. Pero ‘pag nilagay mo sa alanganin ang mga mahal nito sa buhay, ang mga babae ay hindi sumusuko. Ang mga babae ipinaglalaban ang mga asawang inaagaw sa kanila. Sabi rin ng iba, bago daw ako. Totoo. Pero ang problema natin ay hindi na bago, ang problema natin ay ganun pa rin. Baka naman kailangan ng bagong perspektibo? Walang masama sa bago. Gusto nga natin bagong saing, bagong ligo, bagong boyfriend, bagong bayan, bagong pag-asa at bagong Pilipinas kung saan ang bawat bata sa public elementary school ay puwedeng kumain ng libreng pananghalian, na puwedeng makatapos ang anak ng mahihirap, na ang ating magsasaka ay magkakaroon ng libreng irigasiyon, na maraming magkakagustong mamuhunan sa ating bansa sapagkat lalabanan natin ang kurapsyon, na ang ating mga allies ay tutulong sa atin sapagkat tayo ay isang bansang mahalaga sa komunidad ng ibang mga bansa. Mga kababayan, dapat mas maraming mga babae, sa totoo lang, ang bigyan ng pagkakataon sa gobyerno, sapagkat tayo ay nakakaramdam. Inaalagaan natin ang ating pamilya. Totoo, (haligi ng taha) – kailangan ng ilaw ng tahanan pero higit sa lahat kailangan ng pagmamahal, pag-aruga at pagprotekta. Kaya ng mga babae. Ginagawa ko ito para sa inyo. Gingawa ko ito para din sa aking mga anak. Sabay-sabay po tayo sa kinabukasan na maipagmamalaki natin, sa isang bansang maipagmamalaki natin, sa isang bansa kung saan hindi lamang iilan ang mayaman, kung saan hindi lamang iilan ang maligaya, kung saan lahat tayo ay sama-sama. Puti ka man, pula, dilaw o kung anumang kulay. Pagkatapos ng halalan, tayo ay iisa. Pilipinong nagmamahal sa bansa. Maraming salamat po.
[Applause] [Crowd cheering]
Karen Davila: Maraming salamat po, Senator Grace Poe. Huwag po kayo aalis kapamilya. Magbabalik ang PiliPinas 2016 The Presidential Town Hall Debate.
END OF TRANSCRIPT
- Watch: Penafrancia Traslacion Procession 2024 - September 13, 2024
- Road Tour Calabanga:San Pablo to Amang Hinulid - August 31, 2022
- Miss U Catriona Gray Rumampa ng Suporta sa Tropa - May 9, 2022