ROBREDO: Let us welcome the new year with HOPE in our eyes

Vice President of the Philippines Leni robredo
Phiippine Vice President Leni Robredo
Vice President of the Philippines Leni robredo
Phiippine Vice President Leni Robredo

Vice President of the Philippines (VPOP) Leni Robredo urges Filipinos to “welcome the new year with hope in our eyes, delight in our hearts and smile in our lips-smile that says despite all we have been through and will go through, there are so many things we should be thankful for .”

Watch the video below and full text too.

Pagbati po ng isang masaya at masaganang bagong taon sa inyong lahat!

Sa ating pagsalubong sa 2020, gamitin sana natin ang panahong ito upang magbalik-tanaw sa nagdaang taon—para sariwain ang magagandang alaala na ating pinagsaluhan, at baunin ang mahahalagang mga aral na ating natutunan.

Bago tayo bumalik sa ating mga trabaho at kanya-kanyang mga pinagkakaabalahan sa araw-araw, sana ay huminto muna tayo sumandali upang pagnilayan ang mga bagay na tunay na mahalaga—sa ating sarili, sa ating kapwa at mga mahal sa buhay, at sa ating Inang Bansa.

Sa gitna ng lahat ng ingay sa ating panahon, nananatiling malinaw ang pangarap natin para sa ating bayan: isang mas maginhawa at mas magandang buhay para sa bawat pamilyang Pilipino. Sa pagpasok ng bagong taon, patuloy natin itong pagsusumikapan sa ating pagbaba sa pinakamalalayo, pinakamaliliit, at pinakamahihirap na komunidad sa ating bansa.

Salubungin sana natin ang bagong taon nang may pag-asa sa ating mga mata, galak sa ating mga puso at ngiti sa ating mga labi—ngiti na nagsasabing sa kabila ng lahat ng ating pinagdaanan at pagdadaanan pa, ay napakaraming bagay na dapat din nating ipagpasalamat.

Muli, isang manigong bagong taon po sa inyo mula sa aming pamilya at sa Tanggapan ng Pangalawang Pangulo. Mabuhay po kayo!

Raw translation:

VP Leni Robredo’s message this new year 2020

My greetings for a happy and prosperous new year to all of you!

As we greet 2020, let’s use this time to look back in the past year-to reminisce the beautiful memories we share, and bring back the important lessons we have learned.

Before we go back to our jobs and those activities that keep us busy every day, I hope we will stop for a while to contemplate the things that are truly important-to ourselves, to our fellowmen and loved ones, and to our Mother Country.

In the midst of all the noise of our time, our dream remains clear for our nation: a more convenient and better life for every Filipino family. As the new year ushers in, we will continue to strive on our visit to the most far flung, smallest, and poorest communities in our country.

Let us welcome the new year with hope in our eyes, delight in our hearts and smile in our lips-smile that says despite all we have been through and will go through, there are so many things we should be thankful for .

Once again, a happy new year to you from our family and the vice president’s office.

Tell us your thoughts on this article. If logged in with any of your Wordpress.com, Twitter, Facebook, Google+, or registered on this site before, then you can simply write your comment below. Thanks and appreciate your feedback.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.